Natuwa naman si Aly ng sinabi yon ni Kersh. Halatang natuwa at appreciated naman ni Kersh ang nagawa ni Aly. Agad rin umalis malapit sa amin si Aky upang asikasuhin pa ang ibang bagay.Hindi ko na naman makalimutan ang binigay na tingin ni Kersh kanina ng sinabi niya "settled na daw." Alam kong may kahulugan yon at paniguradong tungkol yon sa plano niyang dinner sa condo niya. Tsk.
Habang naka upo ay may tumawag sa aking phone. Haynako sana naman si Ezekier na to.
Incoming call..
EuniceMali pala...
Sinagot ko ang tawag ay ni loud speaker upang marinig rin ni Kathleen at agad bumungad sa amin ang napaka nipis na tono at malakas na sigaw ni Eunice.
"KRISANTTAAAA!!! I JUST WANT TO TELL YOU YOU THAT I RECEIVED ALY'S EXPO INVITATION FOR TOMORROW. GEEZ IM SO EXCITED!"
Eto na naman siya. Ang babaeng englishera naming frenny. Natawa si Kathleen ng agad marinig ang boses ni Eunice sa tawag.
"Then?" sagot ko.
"Girl mag tagalog ka tayo-tayo lang mag kausap HAHAHA!" dagdag ni Kathleen.
"Oh my Kathleen is that you? I've missed you! I'm sure all of us are invited to Aly's expo event!"
"Eunice please speak tagalog!" pang-aasar kong sinabi sa kaniya.
"Fine! Nasaan ba kayo? Samgyup tayo!" aya niya
"Girl, bukas na after event." ika ni Kathleen.
"Hindi ako pwede may lakad ako bukas." simple kong sagot.
"Whatever! See you tomorrow bitches!"
Sabay binaba ang tawag. Ang lakas talaga ng trip netong babae na to. By the way she's Eunice Sy. half filipino and half chinese. Dito siya pinalaki ng parents niya sa Pinas kaya ayun english at tagalog ang kadalasang lenggwahe pero madalas talaga siyang mag English at nakakairita yon. Promise.
Nang matapos na ang tawag ay napansin ko ang text message mula kay Kier.
From: Love
"Please talk to me 5pm at your place okay?"
Binabaan ko na ang aking pride at nag reply na sa kaniya.
"Okay"
Agad ko na rin nilagay sa bag ang aking phone at nakaramdam ng excitement dahil sa wakas makakapag-usap na kami ng maayos at makikita ko na si Kier.
Habang inaayos ko ang laman ng aking bag ay iniisip ko rin kung mapag uusapan na ba namin ng maayos ni Ezekier ang mga hindi namin pagkaka unawaan at ang kaniyang pabigla biglang desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung ayos lang ba o hindi.
"Krisantta, tumawag si Kier?" tanong ni Kathleen.
"Hmm oo pupunta daw siya mamaya sa condo." sagot ko.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Dragoste[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...