Chapter 2: Dahilan

39 9 0
                                    

Ng makarating na sa condo ay agad akong umupo sa sofa at pinipilit na mag process lahat ng aking nakitang pictures at ang hindi ko malimutang video...

Tawagan ko kaya si Aly, Kathleen, Sheen, o Hera? Baka sakaling alam nila ang buong kwento. Walang lang naman siguro yun diba? Walang malisya? *charot-charot* lang kumbaga

EH SHIT NAMAN BAKIT BA AKO APEKTADO?

Madali lang naman mag patay malisya diba? Sasabihin ko na wala akong naalala, lasing na ako, o di kaya wala naman talaga akong maalala nung nangyayari yon kasi HINDI KO NAMAN TALAGA MAALALA!

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng unit namin, bumungad si Kathleen na mukhang galing sa grocery dahil may dalang iilang paper bags.

"SAAN KA GALING?!" pasigaw niyang tanong sa akin.

Huminga ako ng malalim bago siya sagutin

"Sa isang condo sa Qc." 

"Gaga bakit ka napunta doon?!" duda niyang pagtatanong.

"Kath, wala akong maalala ang sakit ng ulo ko simula pa kaninang umaga" sagot ko na lamang.

"Alam mo bang hindi kami mapakali sa pag hahanap sayo doon! Umabot na talaga sa punto na tinawagan na namin si Kier!" sinabi niya ng walang putol.

"Eh bakit niyo ba kasi ako pinabayaan?" irita kong tanong.

"Woah hinanap ka na nga pinabayaan pa rin?" Sabay taray niya sa akin.

Hindi ba nakaka-unawa tong babae na to?sinabi na ngang masakit ulo ko!

Tinarayan ko na lang siya pabalik para matapos na yung diskusyon. Akala ko lang pala matatapos na ng biglang

"Nga pala tinawagan mo na ba si Kier?"

Oo nga pala alas tres nasabi niyang pupunta siya dito. May isa pa pala akong kakausapin at alam kong mas malala at mahaba-haba ang diskusyon na mangyayari.

"3pm pupunta siya dito." tipid kong sagot

"Goodluck Krisantta HAHAHAHA!" pang-aasar sa akin ng bruha.

Tiningnan ko ang oras sa aking phone

1:30 pm

Kinalma ko muna ang aking sarili at hinilot ang aking sentido gaya nga ng sinabi ko kanina mahaba-habang diskusyon ang mangyayari mamaya sa pagitan namin ni Kier.

Ezekier Fuentebella, the man who accepted all my flaws, failures, and immaturity since 1st yr college up until now. We've been together for 5years.

HAHAHA wala natawa lang ako kasi sa kabila ng pagkaka-iba ng kagustuhan namin *maliit o malaking bagay man* hindi naging hadlang para hindi kami mag tagal ng limang taon.

Naalala ko kung paano niya napanatiling kalmado ang kaniyang sarili kahit pa sigaw na ako kahit sa simpleng hindi pag kaka unawaan. I know na mahaba ang kaniyang pasensya pero parang paubos na sa sobrang dami kong maling nagagawa.

Ang dami ko pang sinasabi na ayaw kong maging isa sa mga disappointments niya pero parang ako yung numero uno.

Lol.

1 message received

From: Love

"I'm on my way to your place, do you want something?"

I replied

"Have a safe ride, uhm just 1 frappuccino please."

From: Love

"Okay.. better prepare your explanation 🙃"

Sabi na nga ba hinding-hindi ako nag kamali ng pagkaka-kilala sa lalakeng to. I'm prepared tho alam ko namang maiintindihan niya na typical na party yon dalawang beses nangayari sa akin yon.

ANG PROBLEMA NGA LANG..

Nagising lang ako na hindi ko alam kung sinong nag magandang loob na tumulong sa akin sa sobrang kalasingan ko.

AT ISA PANG PROBLEMA

Baka nalaman niya yung tungkol sa videos sa gc namin. Pero, mukhang wala naman siya nababanggit. Shit lang talaga pag may nadulas na bibig sa mga kaibigan ko. I'll sue them all!

Biglang nag pop up and sunod-sunod na messages sa telegram

Sheena:

"Kamusta ang makasalanan naming kaibigan?"

Hera:

"Huwag mo na kamustahin yung taong sugo na sa impyerno kaya niyan isalba sarili niyan hahaha"

Aly:

"Ano na naman kayang naka-ambang dahilan niyan hulaan natin bilis"

Aambang mag titipa na ako ng aking sasabihin sa mga bitchesa na to..

Kathleen:

"Hindi na kailangang hulaan masakit ulo at nabagok ata kaya walang maalala HAHAHA"

Sinungaling! Sabi ko lang masakit ulo ko Literal rin naman talaga na tumatawa ang aking magaling na bestfriend naririnig ko siya mula sa kaniyang kwarto.

Agad-agad akong nag reply sa kanila.

Me:

"I REALLY SWEAR TO GOD! I'LL SUE YOU! ALL OF YOU! KAPAG MAY NALAMAN SI KIER SA KAGABI!"

Hera:

"So may naaalala ka nga!?"

Me:

"arghh! Jeez Hera Desiree! Ano yung pinag sesend niyo?"

Hera:

"Shush, Maria Krisantta your kalat is safe"

Sheena:

"Huwag mo na dagdagan kasalanan mo, hindi ka namin matutubos sa impyerno. Amin na HAHAHAH!!"

Hindi ko alam ang magagawa ko sa mga to kapag nakita ulit sila!

In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon