"Kuya nandiyan ka na pala!"Agad pumunta si Chiara sa amin upang salubungin ang kaniyang pinsan..
Seryoso ba to?
"Mag kakilala kayo? tanong ni Chiara
"Hindi" sagot ko.
"Oo" sagot niya."Ha ano ba talaga? Halika na nga ma upo na tayo dito sa sofa."
Agad namang pumasok si Kersh at sinara na ang pintuan. Sumunod na rin ako kay Chiara para maka upo na rin. Pinunasan muna ni Chiara ang nabasang parte ng sahig kung saan ko natapon ang ice cubes kanina.
"Uhm what happened?" tanong ni Kersh kay Chiara.
"Wala to kuya, hindi sinasadyang natabig ni Krisantta yung baso." sagot niyo sa kaniyang pinsan.
"Nabasag ba yung baso?" tanong ulit nito.
"Hindi ko nabasag." may diin sa aking pag sagot.
Ngumiti siya ng konti
"Tch, clumsy."
"May sinasabi ka ba?" at lumingon sa kaniya.
"Not saying anything." ika niya.
"Mag kakilala ba talaga kayo o hindi?" duda ng tanong ni Chiara sa amin.
Ano nga bang isasagot ko? Iritang-irita na ako sa lalake na ito! Lalo pa ng maalala ko ang eksena namin ng girlfriend niyang hipon sa elevator kanina bago pumunta dito kay Chiara.
Sumagot na lang ako.
"Siya yung partner ni Aly mag organize ng Expo Event ngayong darating na weekend tama ba?" medyo nag-taas ng kilay kay Kersh.
"Yes." Sagot niya.
"Hindi mo naman agad sinabi na si kuya pala yung partner ni Aly paniguradong mas gaganda pa ang Expo ni Aly, nakakatuwa naman kung ganon!" natutuwa ng sinabi ni Chiara.
Hello? Malay ko ba na si Kersh ang nag-iisang pinsan mo?
Akala ko naman kung sinong mabait mala pontio pilato naman pala ang pinsan netong si Chiara.
Kung alam ko lang sana na si Kersh pala ang pinsan ni Chiara, edi sana kahit kami na lang nag hanap doon sa nagdala sa akin sa akin sa unit sa 19th floor.
"Mukhang magkilala nga naman pala kayo tara mag meryenda muna tayo bago pag-usapan ang hinihinging favor ni Krisantta."
Sumang-ayon naman kami at agad na rin akong uminom ng juice.
Ano ba tong mga nangyayari, sunod-sunod na araw ko pang nakikita at hindi lang nakikita! Nakaka salamuha ko pa ang lalake na to!
Kahapon tanggap ko pa na partner to ni Aly sa gagawin niyang expo event dahil kaibigan ko naman si Aly at kakilala rin ni Kier ang lalake na ito!
Pero yung sumusulpot na lang siya sa lahat ng pupuntahan, gagawin ko,pag hinalaan pa ako ng girlfriend niya, maging pinsan siya ng isa mga kaibigan ko, at higit sa lahat siya pa lalakeng naka bodyshot ko!!
Argh! Kumukulo na ang dugo ko sa lalake na ito!
Gusto kong sumabog!
Gusto ko rin mag salita ng masasama na words!
"Uy Krisantta ayos ka lang ba napisa mo na yang fries sa kamay mo."
Nawala sa isip ko na kumain pala ako ng fries.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romansa[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...