Hindi nakakatulong o gaan ng loob tong mga kaibigan ko. Halatang kabisadong-kabisado na nila ang ugali ko.
7 years ba naman na mag kakasama paano ka pa makakatakas sa kagagahan.
Hera:
"Magpaliwanag ka ng maayos kay Kier, alalang-alala yun sayo. Umamin ka sa mali mo please Maria Krisantta!"
Eunice:
"Jwu."
"Ay may ganap pala?"
"Spill it!!!"Aly:
"Pa just woke up, just woke up ka diyan tapos papa huli ka sa kwento! Mag backread ka bobita!"
"Krisantta ayoko na namang gumawa ng rason pag tinanong ako ni Kier kaya hangga't hindi namin sinasabi please naman magkusa ka nalang."Yeah, best of friends nga naman. They will never tolerate those things na alam nilang makakasakit sa partner ng kahit sino man sa amin.
Pero tangina tinolerate nila yung kagabi?! The fck?
Dumadapo na sa akin ang konsenya, ayoko nga naman talaga lumala kung sakali. Sobrang dami ng pilit na nag process sa utak ko!
Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan na may kumakatok na pala sa pintuan. Agad ko itong binuksan at bumungad si Ezekier na may dalawang 2 frappuccino at red velvet cake.
Yung totoo, May kasalanan ba talaga ako? Parang wala naman eh hahahaha! Agad akong yumakap at magbibigay ng halik sa kaniyang pisngi ng biglang
"Oh no, You owe some explanation.."
Ah oo nga pala.. hindi neto papalagpasin lahat. AS IN LAHAT.
"you must eat first" may halong lambing sa kaniyang boses.
"hmm okay love" sagot ko.
Umupo siya sa dining at agad kong hinanda ang red velvet at 2 frappuccino
"Love, akala ko ba hindi ka mahilig sa frappuccino, eh bakit dalawa to?" Pagtatakang tanong ko.
"For your bestfriend Kathleen"
Speaking of the devil, biglang lumabas ang bruha sa kaniyang kwarto at akala mo ay gulat na gulat ng makita ang nasa lamesa
"woah para sa akin yung isa?"
"Nagtanong ka pa eh halatang rinig na rinig mo naman" at inabutan na siya ng platito at tinidor para makakuha na rin ng cake
"Hi Kier! How's your first day of being a CEO?" Masayang tanong ni Kathleen kay Kier
Oo nga pala, muntik ng mawala sa isip ko kaya rin ata may dala siyang cake dahil first day rin niya ngayon bilang CEO ng sarili nilang kumpanya.
"Meetings lang naman" sagot niya sa bestfriend ko
"Dun ka sa kwarto mo kumain mag-uusap kami." pabulong kong sabi kay Kathleen.
"Oh good for you! Sige balik muna ako sa kwarto may tatapusin pa pala ako sa Finance accounting hehe" hilaw niyang tawa.
Agad naman ng bumalik ng kwarto si Kath buti na lang talaga at wala ng sinabing ikaka-pahamak ko yung babaeng yon!
Kumuha na akong ng isang slice ng red velvet at nilagyan na rin ang platito ni Kier.
"Congrats love, akalain mo nga naman. CEO ka na" bati ko sa kaniya.
"Alam kong nakalimutan mo." sagot niya agad.
Wala na ba talaga akong takas kay Ezekier?
"Hindi naman nawala sa isip ko love" pag rarason ko naman agad.
"Kumain ka muna ayokong pati yung ganito pag talunan rin natin sa harap ng pagkain." kalmado niyang sabi.
Habang kumakain ay halata ko ang pagod ng mata ni Ezekier, hindi naman kasi porket meetings lang ang nangyari ay hindi na siya napagod.
Nakaka proud at nakaka lungkot at the same time, proud ako kasi isa-isa niya ng nakakamit yung mga dating rant niya lang sakin at nakakalungkot kasi tinitipid na namin ang oras namin. Pero wala naman siyang palya kahit minsan hindi na nag tutugma ang oras namin.
Tapos pag-uusapan pa namin yung nangyari yung bigla kong pag ka wala sa party. Makaka unawa kaya siya sa bawat sasabihin ko sa kaniya? Ang hirap niya pa namang kausapin pag pagod.
"Hey love you done eating na ba?"
"Yes love tapos na to" balik sa wisyo kong sagot sa kaniya.
Uminom ng konti sa aking frappuccino at nagsalita na
"Love pasensya ka na talaga at pinag-alala kita kagabi." mahinahon kong sinabi.
"Masyado mo naman kasing pinapabayaan sarili mo alam naman nating dalawa na mataas alcohol tolerance mo pero, huwag mo namang abusuhin." kalmado niyang sinabi .
"Im really sorry love, hindi na mauulit to."
"Teka nga saan ka nga pala nakatulog?" agad niyang tanong sa akin.
"Sa ano sa c..condo ni Chiara." medyo na uutal kong sagot kay Kier.
"Oh pero hindi naman naka punta si Chiara diba? Hindi ko kasi siya nakita kagabi."
"Sabay na kasi kami love kaya hindi mo na rin siya siguro nakita nung hinanap niyo ako." Pag papaliwanag ko.
Ayan siraulo ka Maria Krisantta gatungan mo kagagahan mo.
"You sure?" tanong niya sa akin.
"Ofcourse love." panigurado kong sagot.
"Good, make sure na may masabihan ka sa isa sa mga kaibigan mo na nakakasama mo kahit sa akin kung saan ka man mapunta." sinabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"So, let's have a dinner? My treat." pag-aaya niya sa akin.
"Love, mukhang pagod ka eh mag pahinga ka na lang kaya dito?" pag-aalala kong sagot sa kaniya.
"Please I want to celebrate.." paglalambing niya.
Matitiis ba kita Ezekier?
"Okay pero hati tayo sa expenses." agad kong sinabi sa kaniya.
"Hmm yea my typical Krisantta" nangingiti niyang sagot.
"Go ahead prepare yourself na ako na mag huhugas ng pinagkainan mo.""Doon ka na lang sa sofa bed mahiga ka saglit si Kathleen na bahala diyan sa hugasin."
"Okay love."
"And please huwag kang abutin ng tatlong oras ma traffic tayo niyan." at agad niyang inayos ang sofa bed upang mag pahinga.Agad na rin akong pumasok sa aking kwarto para makapag handa ng isusuot at ng makaligo na.
Tangina, mukhang kailangan kong kasabwatin si Chiara..
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...