Chapter 17: Excuses

16 3 0
                                    


Nang bumalik ulit si Kersh sa mga staffs para kausapin ito ay agad lumapit sakin na halos dumikit na sa mukha ko si Aly at Katheen.


"Hoy gaga ka ano yung sinabi ni Kersh?" tanong ni Aly.




"Oo nga tsaka ano yung dinner-dinner na pinagsasabi niya? Kaya pala sinabi mo kanina kay Eunice na hindi ka pwede bukas ha!" dagdag ni Kathleen






"Jusko malay ko ba sa pinagsasabi niyang lalake na yan! Tsaka si Chiara kasama ko bukas imbyerna kayo masyado!" sagot ko.




Ayan gatungan mo kagagahan mo Maria Krisantta! Si Chiara ang isama mo lagi sa dahilan mo *napaka bobita ko rin*




"Umayos ka talaga Krisantta bali-balita na may girlfriend yan tsaka isa pa meron ka ng lalake na pinapangarap ng mga babae diyan" ika ni Aly.





"Duh alam ko!" sagot ko.







Si Venice kaya yung tinutukoy ni Aly na girlfriend ni Kersh? Bakit todo niya kung ideny sa harap ko pati pinsan niya. Isa  pa parang hindi rin pamilyar kay Chiara iyon.





Pero malay ko naman diba, baka kahit close silang mag pinsan ay may hindi pala kwento si Kersh sa mga ganung bagay. Tsaka ano nga ba naman ang pake ko sa mga bagay na yon. May sarili naman silang buhay at bahala na si Kersh kung malaman ni Venice na dini-deny siya neto.




Halos 2:30 pm na rin natapos ang pag aayos ng staff ni Aly at Kersh sa kanilang Expo event para bukas. Halata namang successful ang 3days event na to wala akong duda sa kakayahan na magagawa ng isang Alyssa Sandoval pag dating sa kaniyang career na tinatahak.






Nag bilin na si Aly sa kaniyang mga staffs para sa huli at paalalang instructions na lamang para malinis at walang palya bukas ang event. Habang hinihintay namin si Aly ay nag pasya na kami na pumasok na sa kaniyang kotse.




This time ako naman ang mag mamaneho sa kotse ni Aly papuntang circuit mall dahil nag pasya muna kaming dumaan para mag take out ng milktea at ng makakain namin mamaya sa daan at para mamaya sa pag punta ni Ezekier sa condo.





Masyadong pagod at na stress si Aly kaya ako muna papuntang mall at pauwi sa condo para pag-uwi niya ay siya na bahala. Habang hinihintay namin siya sa kotse ay napansin kong bigla na rin nawala si Kersh sa loob.





Agad na rin akong nag text kay Ezekier na dadaan muna kaming circuit mall bago dumiretso pauwi sa condo. Bigla na rin dumating si Aly at nag simula ka kaming umalis. Nakakagutom na rin at mukhang pagod si Aly.



Umorder kami ng dalawang brown sugar milktea at tatlong okinawa milktea. Pumunta na rin kami sa S&R para bumili ng pizza. Masyado kaming patay gutom hahaha! Dinagdagan ko na rin para mamaya kay Ezekier.




Hindi na kami nag tagal sa mall dahil pagod at bagot na kaming tatlo. Habang pauwi ay pinag -uusapan pa rin ni Aly at Kathleen ang sinabi ni Kersh kanina.




"Type ka siguro nun Krisantta kaya nasabi niya yon." ika ni Kathleen.




"Tumigil ka nga diyan Kathleen alam ni Kersh na may Ezekier yan si Krisantta nagkakilala kaming apat noon sa dinner tsaka usap-usapan na may girlfriend si Kersh na model." giit ni Aly.





"Ah baka si Venice Diaz." dagdag ni Kathleen.




"Ah yung feeling na model? HAHAHA!" pabalik na sagot ni Aly.






In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon