Chapter 7: Kasabwat

23 6 0
                                    

Hindi ko na namalayan na agad akong nakatulog sa kaka isip sa aking nakita kagabi. Agad akong bumangon at nag bihis ng pang bahay para makapag handa naman ng breakfast namin ni Kathleen.

Ganito kadalasan ang set up namin ni Kathleen sa condo dahil may pasok siya, ako muna ang nag aasikaso lalo na kapag alam kong busy siya. Natapos ko na ang aking pag-aaral sa kolehiyo.

Bachelor of Arts in Political Science, Summa Cum Laude. Balak kong mag patuloy sa law pero sa susunod pa na buwan mag sisimula ang aking klase.

While Kathleen is a 4th year Accountancy student, talaga nga namang accountancy  ang kinuha niyang kurso. Akala ko noong una ay binibiro niya lang ako.

Ang tapang noh? Pero cramming to the highest level yung babae na yon. HAHAHAHA!

Kidding aside, nag hilamos at nag toothbrush muna ako saglit at lumabas na sa aking silid. Nag ready ng maiinom na kape at kumuha ng fresh milk, itlog at bacon sa ref.


Sinimulan ko ng magluto, sunny side egg at bacon ang breakfast namin. Mahilig rin naman kami sa kanin kaya nag saing na sa rin ako.


Natapos ko ng magluto at agad ko ng inayos ang lamesa.  Nilapag ang nilutong agahan, kanin at nag lagay na ng plato at kubyertos.


Maya-maya rin ay lumabas na si Kathleen sa kaniyang silid, halata ko ang pagod at puyat sa kaniyang mukha.


"Oh kamusta cramming mo?" bungad kong tanong sa kaniya.

"Wow good morning Krisantta ha?"

Umupo na kaming dalawa sa dining at nag handa ng kumain.

"Anong oras pasok mo?" tanong ko sa kaniya.

"10am pa naman." sagot niya at uminom ng fresh milk.

"eh ikaw? kailan ka magsisimula sa law school mo?" tanong niya.

"Wala pa naman sinend na email sa akin para sa schedule ko pero, sa palagay ko next month pa magsisimula."

"Desidido ka na talaga sa law school?"


Siraulo tong babae na to. Duda ata sa gagawin kakayanan ko. Barahin ko nga..

"Eh ikaw sugurado ka ba talaga na Accountancy nararapat sayo?"


"Nagtatanong lang naman." at tinarayan ako.

"Kumain ka na nga lang diyan ma late ka pa ako na naman sisihin mo."

Nag patuloy na siya sa pagkain ganun rin ako. Napatingin ako sa wall clock 6:30 am na pala. Gising na kaya si Kier?

Kinuha ang aking phone at nag text sa kaniya.

To: Love

"Good morning love, ingat ka mamaya."

SENT.

Malamang ay tulog pa yun o di naman kaya ay nag aasikaso na.

Natapos na kaming kumain ay ako na rin ang nag ligpit ng pinag kainan hinayaan ko na si Kathleen na makapag asikaso ng kaniyang sarili.

Matapos ang ilang minutong pagliligpit at pag huhugas ay naka received ako ng text kay Kier.


From: Love

"Good morning love, I'm on my way. I'll be busy today."

"Iloveyou, leave a message if you're going somewhere okay?"

In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon