Ngumiti ako ng pilit kay Kersh matapos niyang sabihin iyon. Ano na namang kayang pakulo netong lalaki na to!"Excuse me muna pupuntahan ko lang sila Kathleen mag lunch ka na lang." at umalis na sa kanilang harapan.
Pagkatalikod ko'y agad namang nagsalita ang mga babae na kausap ni Kersh.
"Ang ganda naman ng girlfriend mo Mr. Sanchez."
Salamat sa papuri pero yung marinig kong girlfriend ako ni Kersh? Nakakairita pakinggan!
Pinabayaan ko na lamang at pumunta na sa comfort room. Saktong naabutan kong nag-aayos sila kaya ganun na rin ang ginawa ko. Naaasar pa rin ako sa narinig ko kay Kersh kanina. Nadiinan ko tuloy ang pag apply ng press powder sa mukha.
"Girl kalma, parang nag-abot ka lang naman ng lunch kay Kersh ah?" Ika ni Hera.
"Dapat kasi si Chiara na lang nag-abot" sagot ko.
"Kapag ako nag-abot tapos malaman niyang Halal Food yon lagot ako panigurado." dahilan ni Chiara sa akin.
"Huh bakit naman? Siya na nga inabutan ng pagkain ayaw niya pa. Napaka arte niya naman!" dagdag ko.
"Kanina ko pa kasi gustong sabihin sayo pag katapos kong marinig yung order mo kaso pinatahimik mo ko eh." sagot ni Chiara
"Sabihin na??"
"Hindi sanay si kuya kumain ng Halal food. I mean hindi pa siya nakakatikim." giit ni Chiara.
"Buti na sa kaniya yon! Nang makatikik naman siya ng ibang putahe! Hindi yung puro babae hilig niyang putahe!" naasar kong sagot.
"Ano na naman bang ginawa sayo?" tanong ni Kathleen habang nasa cubicle.
"Pinahiya na naman ako sa mga kausap niya." sagot ko.
"Paano?" tanong ni Chiara.
"Pinakilala ba naman akong girlfriend niya! Nasisiraan na talaga ng bait yung pinsan mo na yun Chiara!"
"Anong pahiya dun girl? Swerte mo pa sa lagay na yon. Isipin mo ah ganung klaseng lalake nag claim na sa kaniya ka!" dagdag ni Eunice.
Ang galing parang nakakalimutan ng mga loka-loka na to may boyfriend ako..
"Baliw ka na ba Eunice? May boyfriend ako." sagot ko sa kaniya.
"Eh nasaan? Nandito ba? Wala diba?" sabay na sagot ni Eunice at Hera.
Tinapos ko na mag lagay ng press powder at lip gloss sa aking labi at lumabas na kami sa comfort room. Bumalik kami sa event upang tingnan ang ginagawa ni Aly. Natapos na ang lunch pero marami pa ring tao ang dumadating. Kaniya-kaniyang pictures sa mga artworks, selfies atbp.
Naabutan namin si Aly na nag aasikaso ng isa rin sa mga sponsors ng event.
"Look yung kausap ni Aly ngayon that's the father of Venice Diaz." ika ni Eunice.
Naka suot ng pormal at mukhang eleganteng business man na nasa 50's ang edad, may kaunting puti na sa kaniyang buhok at nasa 5'8 ang tangkad nito. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun rin ka elegante tingnan ang girlfriend ni Kersh ay mali kliyente pala.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romansa[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...