"Ah nothing, Ms." sagot niya.
Anong pinag sasabi netong lalake na to?
Nang makarating na ang order ay agad na rin kaming kumain, katulad kanina mas focus sila sa Expo Event na pinag pa planuhan ni Aly.
"Siya nga pala, kamusta unang araw bilang CEO ng Fuentebella Corp.?" tanong ni Aly kay Kier
"First day, more on meeting with the executives lang naman." sagot ni Kier.
"Krisantta nakaka proud talaga tong boyfriend mo." ika ni Aly.
"Aba syempre naman." habang hinihiwa ang steak.
"Ah so both of you are in a relationship?" tanong ni Kersh sa akin o kay Kier?
Tsaka hindi ba halata? Duh?!
Agad naman itong sinagot ni Kier.
"Yes, luckily we've been together for 5years." masayang sinambit ni Kier at tumingin sa akin.
Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi talaga siya nahihiyang sabihin sa lahat kung gaano na kami katagal at kung gaano niya ako ka mahal.
Ngumiti si Kersh at uminom ng wine sa kaniyang baso, tila ang ngiti niya ay maka hulugan masyado..
Ayoko ng ganito, parang kinakabahan ako at babaliktad ako sa kina uupuan ko. Ano ba tong nangyayari sa akin. Natahimik kami ng konti dahil siguro sa pagka-abala namin sa pagkain ng biglang binasag ni Aly ang katahimikan.
"Krisantta, ikaw mamili ka rin ng gusto mong ilagay ko sa Expo Event ah?" ika ng aking kaibigan at uminom ng wine.
"Oo naman noh, walang problema."
sagot ko."Eto kasing si Mr. Sanchez may pinakita naman na sketch at drafts na okay sana kaso yung nag-iisa niyang work na maganda sana para sa pinaka highlight ng Event may nangyaring hindi inaasahan eh." malungkot na sambit ni Aly.
Napaka burara naman sketch and other works niya pinapabayaan niyang masira lang? Hmm..
"What happened?" tanong ni Kier kay Aly.
"May punit siya sa dulo medyo may kalakihan
yung punit." sagot nito kay Kier"Oh that's terrible, paano naman nangyari yon Mr. Sanchez?" lingat na tanong niya kay Kersh.
"Ah someone is careless and didn't check if it is okay to make it as a piece of scratch to leave a note." natawa niyang sinabi.
Natawa si Aly at Kier pero parang hindi ako natawa. Iba ang naramdaman ko, Iba ang kutob ko. Uminom na lang ako ng tubig at biglang nasamid.
Hinaplos ni Kier ang aking likod
"Hey love,you okay?" at patuloy na hinaplos ang aking likod.
"Yeah, nasamid lang." at ngumiti lang sa kanila.
Ng matapos kaming kumain ay umorder pa sila ng isang bote ng wine dahil mukhang napapasarap na nga ang usapan. Mukha namang napapawi ang pagod ni Ezekier kaya hinayaan ko na lang.
Minsan lang naman siya makipag usap ng hindi kailangang maging pormal o kung ano, kaibigan niya na rin naman si Aly at mukhang magkakilala sila netong Kersh na to. Ako lang ata ang tahimik at patango-tango na lang sa kung ano napag-uusapan nila.
Kahit tumatango at tahimik lang ako ay hindi ko maiwasang hindi masulyap kay Kersh, kinakabahan pa rin ako na hindi ko alam. Pakiramdam ko may nagawa akong mali sa kaniya.
Nahuhuli ko siyang lumilingat ng tingin habang umiinom ng wine.
Ilang oras na pag-uusap ay agad na kaming nag ka aayang umuwi na rin dahil maaga pa si Ezekier sa kaniyang business meeting kinabukasan.
"Aly you've already have my email right? Kung hindi ko naman agad mabasa mag email ka na lang din sa secretary ko." ika ni Kier.
"Oo ako na bahala o, siya may kaniya-kaniya pa tayong gawain." at ngumiti si Aly sa akin.
Sumenyas na si Kier hudyat na hihingin niya ang bill sa waiter ng bigla akong mag salita.
"Hati tayo sa bayarin tandaan mo."
"Oo na po hati nga tayo."
Lumapit ang waiter sa aming table at sinabing...
"Mr., binayaran na po ni Mr. Sanchez ang lahat." at ngumiti sa amin
Eh? Binayaran niya lahat? Seryoso ba yun?
"Ah sorry habang nag-uusap kayo ay binayaran ko na ang bill ng kinain natin." ika ni Kersh sa amin.
"Nakakahiya naman, waiter mag kano ba lahat?" tanong ni Aly.
Siraulo tong babae na to tinanong pa niya talaga.
"A total of 6,923.00 po Ma'am" sagot ng waiter kay Aly.
PUTANGINAAAA? ANG LAKI NG BINAYARAN NIYA.
"Okay, thankyou." ika ni Aly sa waiter at umalis na ang waiter
Hindi ko alam kung anong mangyayari mag aambagan ba kami dito ngayon?
Shit agad kong kinuha ang phone at pinindot ang calculator
6,923.00 divided by 4 = 1,730.75
Ambang kukuha na si Kier ng kaniyang wallet ng mag salita si Kersh
"No need Mr. Fuentebella, sagot ko na to minsan lang naman to." wika ni Kersh at ngumiti sa amin.
Seryoso? Kaltasado sa pera niya yun 6k? Hindi naman sa minamaliit ko pero apat naman kaming kumain dito.
"Well, I guess dapat maulit to ng makabawi naman ako, right love?" sagot naman ni Kier at ngumiti sa akin.
SERIOUSLY?
Ang galing! Ayoko na nga maulit to nag-aya ka pa ulit.
"A-ah oo makabawi naman kami." na uutal na sagot ko ng hindi mapahiya si Kier.
Agad na kaming tumayo at nag lakad na palabas.
"Salamat nga pala ulit sa dinner na to, Minsan lang mangyari to nag enjoy ako!" masayang giit ni Aly sa amin.
Talaga Aly? Natuwa ka? Ako kasi...
HINDI.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...