Pag katapos kong mag bihis ay nakita ko siyang naka-upo sa kama at nagtitipa sa kaniyang phone, ng nahalata niyang papalapit ako sa kaniya ay hindi na niya tinuloy at binaba ang kaniyang phone."Sino yan?" tanong ko.
"Mom, asking if I will eat dinner on our house." aniya.
"Oh okay." sagot ko.
Parang ang dami naman ata niyang sinabi eh tinanong lang naman pala ni Tita Ledesma kung kakain ba siya ng hapunan sa bahay nila. Umupo na rin ako sa kama at nag kwento siya ng mga nangyari sa kaniya sa kumpanya noong mga nakaraang araw.
Naalala ko bigla na may na kwento si Chiara na nakita niya daw kami ni Ezekier sa isang hotel maliban noong nakaraan na nag dinner kami sa Harbor View kaya tinanong ko ito sa kaniya.
"Love, nag hotel ba tayo nung mga nakaraang araw bago tayo mag celebrate nung nakaraan?"
"Hindi naman love, huling nag hotel tayo noong birthday pa ni Hera hindi na tayo nakauwi kasi masyado na tayong wasted. Bakit?" aniya.
"Ah wala naman natanong ko lang." sagot ko.
"Are you sure love?" tanong niya sa akin.
"Uhm yes." at sumandal sa kaniyang dibdib.
Sigurado ba talaga si Chiara na si Ezekier ang nakita niya sa sinasabi niyang hotel? Baka naman namalik lang ata siya. Haynako matanong na nga lang bukas habang nasa expo kami.
Habang nakahiga ay nag pasya kaming manood muna ng tv. Mukhang maya-maya pa naman siya uuwi kaya hinayaan na lang muna na naming magpalipas oras dahil ilang araw na naman kaming hindi magkikita.
Ganito pa talaga kapag magka-ibang landas at kagustuhan ang tinatahak niyo? Hindi lang oras ang nawawala at lumalayo pati na rin loob ng isa't-isa? Hindi ako sanay sa biglang pagbabago. Parang hindi naman napag handaannat napag-usapan ng maayos. Pakiramdam ko pareho kaming nangagapa.
Alam ko namang ginagawa niya ito para hindi matapon ang pinag hirapan niya at ng pamilya niya at iniisip niya rin ang future niya. Pero sana habang ginagawa niya ito ay kasama rin ako sa mga dahilan ng pag pupursigi niya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa dibdib niya at nagising na lamang ako ng dahan-dahan niya na akong hinihiga ng maayos sa kama. Pinatay na niya ang tv at nilagyan ako ng kumot at humalik na sa aking noo.
"Iloveyou, please sleepwell."
"Iloveyou too, ingat ka pag-uwi. Ingat ka rin bukas. Okay?"
"I will love, ikaw rin and behave okay?" aniya.
"Huh behave?"
"Naalala ko yung sinabi mo kanina sa baba mukhang masyado na kayong close ni Kersh."
Kayo nga close na close ni Venice eh!
"Hmm no love."
"Okay, if you say so. Huwag mo na ako ihatid sa baba mag pahinga ka na maaga rin ang alis niyo bukas ni Kathleen."
Tumango na lamang ako dahil tama nga naman siya maaga pa kami at nakakapagod ngayong araw na ito. Kailangan maagang magising at makapag ayos bukas dahil opening ng event ng aking matalik na kaibigan.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...