Chapter 12: Memories

18 4 0
                                    


Binuksan ko ang pinto ng unit at agad kong naabutan si Kathleen sa sala at nanonood ng netflix.




"Kumain ka na ba?" bungad niyang tanong sa akin.



"Busog pa ako, ikaw ba?"


"Meron naman akong nilutong baby back ribs kumain ka na lang kung magutom ka." aniya.




"Maaga ka ba nakauwi?"



"Oo after ko ma meet lahat ng deadline ay agad na rin akong umuwi, hindi ko naman kasi nakita si Sheena at Eunice." sagot niya.



"Oh okay pasok muna ako sa kwarto."



Naglakad na ako papasok sa kwarto ng may may nag pop up na message sa aking phone. Agad ko rin namang tiningnan kung ano at sino yun.




From: Unknown number



"Kahit kailan talaga wala kayong utang na loob ng ama at mga kapatid mo lalo na ikaw na sampid ka!! Pinabayaan niyo na lang si Catalina pagkatapos niyang mahimlay sa puntod niya! Ano nag paka saya na kayo sa perang nakukuha niyo?"





Hindi na ako nag aksaya ng oras para mag-reply pa sa text na yun. Panigurado namang isa lang yun sa mga kapatid ni mommy. Masyado na silang ma effort para gugulin oras nila sa pagsasalita sa akin ng hindi maganda.





May isa pa palang text message muntik ko ng hindi mapansin..




From: Love


"High-blood lang pala si mommy but she's fine now pinag pahinga ko na lang muna. Nakauwi ka na ba?"




I replied.




"Yes love. Nakauwi rin naman agad hinatid ako ng pinsan ni Chiara."




Nag charge muna ako ng aking phone at nag isio na maligo at nag handa na ng pantulog kailangan kong mag cold shower marami akong nagawa na katangahan ngayong araw.



Nang matapos akong maligo ay agad na rin akong nagbihis ng pantulog. Lumabas ng kwarto upang makipag kwentuhan kay Kathleen.




Inalok niya ako ng kinakain niya popcorn. Kumuha ako at tumabi na sa kaniya.





"Ang dami mo ng mails nakatanggap na naman ako kanina."aniya.





"Nasaan?" tanong ko.






"Ayan oh" at tinuro niya ang lamesa kung saan meron atang halos limang envelope apat na sakto lang laki at isa ay medyo may kalakihan.




"Sa akin ba lahat ng ito?" tanong ko sa kaniya.




Para naman kasing ang dami neto.






"Halata naman diba, ayaw mo naman po kasing pinapakealaman yung mga padala sayo." sarkastiko niyang sagot.







"Napaka mo nagtatanong ako ng maayos napaka sarcastic mo!" pagtataray kong sagot sa kaniya.





Tumawa na lang si Kathleen at nagpatuloy sa panonood. Agad ko rin namang tiningnan kung anu-ano ang mga sulat. Ang apat ay naka adress sa lugar namin sa Bulacan, ang isa naman ay mukhang invitation sa expo event nila Aly.




Alam kong ang laman lang naman ng halos naka adress sa Bulacan ay mga sulat na kung saan ako at si daddy ang sinisisi ng mga kapatid ni mommy sa kaniyang pagkamatay.





In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon