Chapter 13: Argument

21 5 0
                                    


Binalik ko na lang muna sa envelope ang mga litrato. Kinalma ko ang aking sarili at ngumiti kay Kathleen





"Hay nako ituloy na nga natin mag breakfast."




"Okay ka lang ba Krisantta? Magpatulong kaya tayo kay Ezekier para hanapin kung sino na naman yan." suggestion ni Kathleen.




Alam ko naman kung sino ang pasimuno niyang mga yan. Kahit noon pa isang katutak na ang aking natatanggap na sulat puro threat at paninira pa.





"Hayaan mo na Kath gulo na naman kapag inungkat ko." sagot ko sa kaniya.





"Matapang ka naman sa lahat ng bagay pero kapag usapang pamilya naduduwag ka na! Tingnan mo naman inaabuso ka nila kasi alam nilang hindi ka gagawa ng gulo!" may diin niyang sinabi.




Kung ganiyan lang din naman ako ka agresibo katulad kay Kathleen ay hindi ako magdadalawang isip na gumawa agad ng paraan para matapos tong gulo.





"Magsasawa rin yan." kalmadong sagot ko.







"Magsasawa kapag ano? Nakaganti na sila sa mali nilang akusa sa daddy mo lalong-lalo na sayo ganun ba?" may diin niya sinabi.






Hindi na lang ako sumagot at bumalik na sa dining para kumain. Masyadong maaga at ayaw kong masira araw ko para sa mga ganitong bagay at pangyayari. Nanahimik na rin naman si Kathleen at tinapos ng kumain.





Ngayon nga pala mag finalize sila Aly at Kersh sa set up ng Expo event. Dahil bukas na ito mangyayari. Hindi pa ako pinapapili ni Aly ng gusto ko. May tiwala pa naman yon sa bawat pinipili kong artwork niya at ilalagay sa mga expo's niya.






Nang matapos na kaming kumain ay si Kathleen na ang nag ligpit at nag hugas ng aming pinagkaininan. Pumunta ako sa aking kwarto para kunin ang aking phone.



4 messages received.

From: Love

"Good morning love"

"Aly called she told me if I can go and check the event. Busy ako kaya sinabi ko na lamang sa kaniya na kung pwede ikaw na lang pumayag naman siya.




"Kailangan kong asikasuhin ang mga appointments para maka sama ako bukas sa event."


"Please love?"




Hindi naman tinanong kung ayos lang ba sa akin. Puro desisyon niya na naman nasusunod. Hindi lang naman siya yung may iniintindi at iniisip.


I replied.



"Hays okay."





Nagulat ako ng ilang minuto ay bigla itong tumawag.




"Mad at me? Dahil ba hindi kita nasundo kagabi?"





Hindi na tayo college students para magalit pa ako sa mga maliliit na dahilan.





"No."




"Kung ayaw mo sasabihin ko na lang kay Aly."




"Huwag na nakakahiya naman kung tatanggi pa sinabi mo na nga dun eh."



"Ayos ka lang ba talaga Krisantta?"






Ayan, tinawag na ako sa pangalan ko.





In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon