Halos inabot ng 45mins ang biyahe nang nakarating sa bldg. kung saan ang condo ni Chiara.Ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito ah..
Nakatanggap ako ng chat mula sa kaniya
"Krisantta dito na pala ako sa kabilang bldg. yung katabi lang."
"Ah okay malapit lang naman pala."
Agad akong nag bigay ng bayad sa grab driver at binigyan ito ng tip.
"Maraming salamat po Ma'am, Ingat po kayo." ika ng grab driver at ngumiti sa akin.
"Salamat rin po kuya sa maayos na biyahe." at ngumiti pabalik sa kaniya.
Teka...
Pamilyar sa akin ang bldg. na to ah?
Eto yung bldg. kung saan ako galing nung magising ako na halos walang maalala ah?
Bumaba na ako sa sasakyan at agad na kinuha ang aking phone at nag chat kay Chiara.
"Papasok na ako sa lobby."
"Sige nasa bungad lang ako naka upo sa waiting area." reply ni Chiara.
Nakapasok na ako sa lobby at agad namang dumiretso sa waiting area, naroon si Chiara naka-upo wearing her Tourism uniform.
Agad rin naman akong nakita ni Chiara at tumayo ito at bumeso.
"Long time no see Krisantta." bati ni Chiara sa akin.
"Yep, long time no see. Siya nga pala may dala akong milktea naalala kong paborito mo at lagi mo akong inaaya noon mag milktea." sagot sa kaniya at inabot ang isang plastic na may laman na wintermelon milktea.
"Awee, jhs days hahaha! Tara akyat na tayo sa unit ko ng makapag usap naman tayo ng maayos." Aya ni Chiara.
Agad na kaming naglakad papuntang elevator at nag hintay ng ilang saglit. Bumukas ang elevator at agad na kaming pumasok.
Pinindot ni Chiara ang 20th button sa elevator..
"May kasama ka ba sa unit mo ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Dati meron, pero bumukod na rin siya sa 19th floor lang din siya lumipat." sagot niya.
"Ah kakilala?" tanong ko.
"Pinsan ko sa side ni mama."
Sabagay huli kong punta naman sa sarili niya unit sa kabilang bldg pa siya at hindi na ako pamilyar.
Pero 19th floor? Doon ako galing dati...
Iba na naman kutob ko dito eh.
*ting*
Hudyat na nasa 20th floor na kami, agad na lumabas at lumakad papunta sa unit ni Chiara.
Agad na kaming pumasok at nilapag ang sa lamesa ang dala na milktea. Umupo sa sofa at nag usap na ng konti."Kamusta pala fresh grad?" bungad na tanong ni Chiara.
"Saya naman pa unti-unti na law school naman susunod." sagot ko.
"Talagang nag aim ka para sa gusto mong kurso noh? Ayaw mo talaga ma disappoint si tito at tita sayo." aniya.
Naisip ko na naman, kaya ko nga pala pinursigi ang pag a-abogasya dahil isa ito sa kailangan kong patunayan at kakailanganin ko.
"Syempre, ayoko namang itaboy na naman ng pamilya ni mommy hehe." at ngumiti kay Chiara
"Hay nako sorry at na ungkat at pinaalala ko pa. Alam kong kayang-kaya mo yun, siya nga pa ano yung pag-uusapan natin Krisantta?"
Muntik ko na makalimutan may isang dahilan nga pala kung bakit ako nandito.
"Chiara ganito kasi, naalala mo nung birthday ni Eunice? Hindi ka naka attend diba?" umpisa ko
"Uhm oo, anong meron?"
"May nangyari kasing hindi inaasahan, sa sobrang kalasingan ko hindi ko alam ang mga nangayari nagising na lang ako na nasa isang condo ako na hindi ko alam kung kanino."
Halata ang gulat sa mukha ni Chiara ng nagsisimula na akong mabanggit iyon.
"Hala ayos ka lang ba? Wala bang nangyari masama sayo o kung ano?" pag-aalala niyang tanong sa akin.
"Ayos naman ako huwag kang mag-alala. Ang problema nga lang nung tinanong ako ni Kier kung saan ako napadpad hindi ko agad naisip ang sasabihin ko.. Pangalan ko agad ang nasabi mo." malungkot kong sinabi sa kaniya.
"Hala eh paano na yan? Jusko Maria Krisantta..."
ABA LAHAT TALAGA KAYO MARIA KRISANTTA NA BINIBIGKAS HAYNAKO!
"Favor naman oh sana tayo lang makaalam neto, tsaka sabihin mo kay Kier na dito talaga ako napadpad, Na pumunta ka talaga sa birthday party ni Eunice." nag aalangan na sinabi kay Chiara
"Sigurado ka ba dito? Deserve ni Kier malaman." ika ni Chiara
"Kilala mo naman si Kier diba?"
"Please Chiara, please." giit ko.
Napa-isip si Chiara at agad nagsalita.
"Oh siya sige ako ang bahala pero Krisantta alamin mo kung sino yung nag dala sayo sa lugar niya, teka nga saan ka ba dinala?"
Sa wakas! Pumayag si Chiara!
"Ang totoo niyan dito rin sa bldg na to at pagkakatanda ko sa 19th floor." sagot ko sa kaniya.
"HA ANO? SIGURADO KA BA DIYAN?!"
"Siguradong-sigurado ako Chiara." giit ko.
"Sige tutal nandito ka na rin naman subukan nating alamin sa lobby o di kaya mag patulong tayo sa pinsan ko dahil sa 19th floor lang din naman siya."
Oo nga pala may pinsan si Chiara sa 19th floor malaki-laking tulong rin ang pinsan niya kung sakali man..
"Mabuti pa nga, nandoon ba ngayon yung pinsan mo sa unit niya?" tanong ko sa kaniya.
"Teka tatawagan ko, dito ka lang mag papalit muna ako ng damit."
At tumayo si Chiara at nag dial sa kaniyang phone at pumasok sa kaniyang kwarto upang makapag palit ng damit.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na rin si Chiara
"Ah ganun ba kuya sige, makakahintay naman kami ingat ka pa uwi." at binaba na niya ang tawag.
"Krisantta pauwi pa lang daw siya may kinita lang na client pumayag naman siya na tumulong sa atin. Diretso na lang daw siya dito."
Buti naman at mabait ang kaniyang pinsan at pumayag.
"Salamat Chiara, buti na lang talaga." sinabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Wala yun malinis lang natin itong problema na to." ika niya at umupo malapit sa akin.
Binuksan na namin ang milktea at pinalagay na ang aming sarili.
"Please Chiara kailangan na kailangan ko talaga maayos to."
PLEASE...
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Любовные романы[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...