Laking pasasalamat ko na rin ng agad na pumayag si Chiara sa hiningi kong pabor sa kaniya at hindi lang yun, tutulungan niya pa akong hanapin kung sino yung nag-uwi sa akin.
Dapat ba akong magalit sa nag-uwi sa akin?
Oo syempre! Hindi naman ako malalagay sa sitwasyon na to ngayon kung hindi niya ako inuwi sa condo niya!
Hindi rin malay mo nag magandang loob lang yung tao dahil napaka iresponsable kong babae para pagka lasing ng sobra.
"Hintayin na lang natin si kuya ah?" ika ni Chiara.
"Oo naman walanng problema, nga pala matagal na kayong mag kasama ng pinsan mo sa condo mo kahit nung sa kabilang bldg pa lang?"
"Ah oo madalas nga lang siyang wala doon alam mo naman kapag bachelor..."
"Babaero." sagot ko.
"Hay nako noong nakaraan nga may dinalang babae sa unit niya hindi ko naman namukhaan dahil nakayuko mukha tulog napaka babaero talaga." dagdag niya.
Sabay kaming natawa, kahit noon pa naman ganun ang tingin namin basta bachelor. *hindi lahat ah* hehe.
"Hindi kasi abala na siya masyado sa pag-aasikaso ng minana niyang kumpanya."
"Ah ganun na rin naman nung mga nakaraan si Ezekier halos hindi na nga kami nakakapag-usap ng maayos." sagot ko kay Chiara.
"Pero nakita ko kayo nung mga nakaraan ah? Galing ata kayo sa isang hotel aroud Manila.."
Huh? Eh kahapon lang naman ulit yung lumabas kaming mag kasama ni Kier.
"Ah baka kahapon yun galing kaming Harbor View nag dinner kasama sila Aly at yung magiging partner niya sa pag gawa ng Expo Event." sagot ko.
"Alam ko hindi kahapon yun pero hayaan mo na nga nakalimutan ko na rin hehe." ika niya at uminom ng milktea.
"Siya nga pala inuunti-unti na rin ni Aly yung pangarap niya noh? Dati nung ahead kayo samin nakikita ko talaga yung pag pupursigi niya sa pagpipinta kahit exhibit sa school."
"Ngayon nag organize na ng sarili niyang Expo." dagdag ko.
"Hay nako bibilisan ko na rin makatapos ng pag-aaral ng makahabol naman ako sa inyo nakaka-inggit na kayo masyado ha!"
"Nako sila-sila pa lang yun matagal-tagal pa ako Chiara."
Nagkaroon pa kami ng kaunting pag-uusap hanggang maubos ang aming milktea. Hindi pa rin dumarating ang kaniyang pinsan.
Nag vibrate ang aking phone..
1 message received
From: Love
"Hey love sorry sobrang hassle right now. Kakain rin ako maya-maya. Update me kapag pauwi ka na susunduin kita diyan."
Agad akong nag reply.
To: Love
"Sige love, huwag masyadong pagurin ang sarili."
Nilagay ko na sa aking bulsa ang phone at tumayo si Chiara..
"Hala Krisantta di ba marunong ka gumawa ng cakes and cookies?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...