"Ayos ka lang ba Kersh?" tanong ko sa kaniya."May mali ba sa sinabi ko?"
Tangina maling-mali.
"Sa tingin mo?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.
"It's just a dinner. Nothing more, nothing less." nanatiling kalmado sa kaniyang sinasabi.
"Mag-papaalam muna ako kay Kier." sagot ko sa kaniya.
"Pwede naman ako sumama Krisantta."
"Chiara huwag na." sagot ng kaniyang pinsan.
Siraulo? Hindi lang pala talaga babaero to alog din utak!
"Si Kier ba nag papaalam sayo?" pabulong niyang sinabi.
"May sinasabi ka ha?" pagtataray kong tanong sa kaniya.
"Nothing, ano payag ka ba o hindi?" ika ni Kersh.
Kapag nag paalam ako kay Ezekier, paniguradong hindi ako papayagan nun lalo na kung malalaman niya pang si Kersh na kakakilala ko pa lang naman ang aking makakasama sa dinner. Baka maging dahilan pa ng hindi namin pagkakaintindihan.
"Sige." wala sa katinuan akong pumayag.
"Good, at my place after expo event." ika ni Kersh.
"Bakit sa unit mo pa mag dinner?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Ikaw gusto mo ba sa exclusive resto?" tanong niya pabalik sa akin.
No way! Maraming makakakita.
"Fine! Sasabay na lang ako kay Chiara papunta dito after Expo event. Pupunta ka naman Chiara di ba?" lumingon kay Chiara
"Oo naman pupunta ako." sagot niya sa akin.
"Bakit kay Chiara ka pa sasabay? Pwede namang sa akin, Unless..."
"Unless what?"
"Hindi ka na naman mag-sasabi kung saan ka talaga pupunta." at tumingin sa akin si Kersh ng mata sa mata.
Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.
"Mag-sasabi ako kung saan talaga ako pupunta!" sagot ko sa kaniya.
"Okay, if you say so." aniya at tumayo na.
Tama ba ito na basta-basta akong pumayag ng hindi man lang kumu-konsulta sa aking boyfriend at kaibigan? Ano na naman ba tong katangahang pinasok ko.
Sa loob ng limang taon namin ni Kier ngayon lang ako nagkaroon ng mga walang kwentang dahilan at pagsisinungaling sa kaniya.
Sino ba namang hindi matatakot kay Kier? Lahat ng kilos at galaw ko may masasabi siya, kung ano ang kaniyang kagustuhan yun ang madalas na nasusunod, para bang hindi ako maka-galaw at maka-tayo sa sarili kong mga paa. May mga pagkakataon pa nga na kapag nagkakasagutan na kami hindi niya ako hinahayaang mag paliwanag agad, dahil sa tingin niya maling-mali na.
Ang paliwanag niya naman daw ay para rin naman sa ika-aayos ng aming relasyon kumbaga mala toxic-free relationship daw. Naniwala naman ako sa kaniya kaya eto umabot kami ng limang taon.
Habang malalim ang aking iniisip ay biglang nag vibrate ang aking cellphone
Incoming call..
Love
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...