Oo nga noh? Madalas ay hindi na kami nakakapag-kita dahil sa busy sched, sariling mga lakad, focus sa career at ang iilan ay sa academics. Kaya tila naging isa itong reunion sa aming magkakaibigan.Buti na lang talaga at free kami sa sched na ginawa ni Aly para sa event na to. Dahil baka ikatampo niya ito kung sakaling hindi makapunta ang iilan. Ika pa nga ni Kathleen susulitin na niya dahil may acads na siyang iintindihin bukas. Hahahaha!
"Buti naka punta ka Chiara, minsan ka na lang naming makita simula nung nag grad tayo nung nag graduate kami junior high." ika ni Aly.
"Kaya nga eh kayo kasi porket ahead kayo ni Krisantta bigla kayo nawala! Tsaka pinsan ko kasi si Kersh at sakto pang nasabi ni Krisantta na kayong dalawa ni kuya ang may plano ng event na to."
Halatang gulat si Aly sa sinabi ni Chiara ganun din si Kathleen. Hindi ko nga pala nasabi sa kanila ang tungkol doon.
"Who's Kersh?" sabat ni Eunice
"Pumunta sa birthday mo tapos hindi mo kilala? Ayos ka lang girl?" Ika ni Aly.
"I don't even know him duh!" At nagtaray kay Aly.
"Gusto mo clue Eunice?" dagdag ni Hera.
"Oh god please! shut up!" sabat ko.
Tumawa si Kathleen at Sheena sa sinabi ni Hera dahil mukhang alam nila kung ano ang sasabihin nito. Dahil si Hera lang naman ang lintek na kumuha ng video habang nag bo-bodyshot ako kay Kersh noong birthday party ni Eunice.
Mukhang ilang minuto na lang ay mag open na ang expo ni Aly. Lahat ng staffs ni Aly kasama ang iilang staff at aspiring artists na kasama ni Kersh ay nag handa na. Ganun rin kami. Na excite na kami sa aming makikita. Halos lahat ng dadalo ay mukhang nakasubaybay talaga sa career ni Aly at may iba naman siguro kay Kersh?
Nag simula ng speech si Aly about sa theme ng kanilang expo at ng pinakilala niya si Kersh ay iilang babae sa harap ang kinilig. Kawawa naman tong mga babae na to bumase lang sa mukha, hindi pa ata kilala ugali ng lalake na to.
Habang nag papatuloy si Aly sa pagsasalita sa harap kasama si Kersh ay hindi ko mapigilang tumingin sa kaniya ng masama. Hindi ko alam kung bakit pero nag tama ang aming mata at agad ko rin naman itong iniwas. Ngumiti ito sa hindi ko malamang dahilan pero tila nang-aasar.
Alam ko naman ang ibig sabihin ng tingin niya na yon. Pinapaalala niya lang naman yung planong niyang dinner na siya lang natutuwa, samantalang ako ay kinakabahan na! Nag palusot pa naman ako kay Kier na sa condo ako ni Chiara kakain ng dinner. Kaso paano ako makakalusot sa mga bitchesa kong mga kaibigan.
Nakasalalay sa dinner na yun pananahimik ni Kersh.
Natapos na ang speech ni Aly at nag paalala na ang iilang staffs ng Do's and Don't s habang nasa loob ng expo. Nang matapos ang ilang paalala ay nag start na ang Day 1 ng Expo event ni Aly at Kersh.
Lumapit kami kay Aly at nag congrats agad sa kaniya. Tuwang-tuwa kami sa isa na namang achievement na nagawa ng aming kaibigan. Sino bang kaibigan ang hindi diba?
"We're so proud of you Lys!" ika ni Eunice.
"Ay girls may ipapakilala nga pala ako sa inyo ng personal." At tinawag ni Aly si Kersh.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...