Sinikap kong sa loob ng isa't kalahating oras ay matapos ang aking paliligo at pag-aayos ng sarili.Green velvet dress and a three inches heels. Having a light make-up. Dinner lang naman.
Kumatok si Kier sa aking kwarto upang kamustahin
"You done? Nag pa reserve na akong ng table sa secretary ko."
"Yup nandiyan na." sagot ko at lumabas na ng kwarto.
Habang sinasara ang pinto ng aking kwarto ay yumakap siya mula sa aking likod.
"Damn, you always slayin, Iloveyou." bulong niya sa aking tenga.
Humarap ako sa kaniya at agad dumampi ng halik sa kaniyang labi.
"Iloveyou too love, congrats ulit."
"Let's go?" aya niya.
Tumango ako pero kumatok muna ako sa silid ni Kathleen. Binuksan niya ang pinto
"Hmm aalis kayo?"
"Oo, baka ma late ako ng uwi, kumain ka na lang din tsaka may red velvet pa sa ref, mag tira ka naman para sa akin!" sinabi ko at bumeso na sa kaniya.
"Hahaha segurista masyado! Enjoy your dinner." Pabiro niyang sagot.
"Ingat kayong dalawa." at sinara niya na ulit ang pinto.
Lumabas na kami ng unit ni Kier at agad na sunakay sa elevator.
Habang nakasakay sa elevator ay na kwento niya ang unang araw niya bilang CEO kumpanya nila.
They owned a corporation "Fuentebella Corp." isa ang Ayaland at SM Investments sa mga ka sosyo nila.
Bigtime nga ika nila, sabi nga ng iba kung mapapangasawa ko si Ezekier ay hindi ko na kailangang mag banat ng buto dahil tiyak na ang pasok ng pera sa bawat ginagawa ng kanilang Corporation.
Lingid sa kaalaman ng iba ay hindi ko inaabuso kung anong meron kay Ezekier, hindi ko hinahayaang siya ang gumagastos sa bagay-bagay na alam kong kaya naman naming pag hatian. Ayokong siya lang ang gumagastos sa bawat labas namin lagi kong pinipilit mag bigay. Naiinis na nga lang siya sa ginagawa ko.
"Kailan mag uumpisa 1st day mo sa Law school?" Tanong niya bigla
"Nakapag enroll na ako, next month siguro makakapag simula na ako." sagot ko.
"Bilisan mo daw sabi ni Mom para may bago at garantisadong lawyer ang kumpanya." ika niya at bumukas na ang pinto ng elevator hudyat na nasa lobby na kami.
Pag labas namin elevator ay agad siyang tiningnan ng iilang babae na papasok naman ng elavator.
"Siya yung taga pag-mana ng Fuentebella Corp diba?" wika ng isang babae
"Oo siya nga, ang gwapo at ang elegante nga talaga niya tingnan." sagot naman ng isa
Napa yuko na lamang ako na tila nawalan ng gana, napansin ata ni Kier yon at agad inakbay ang ang kaniyang kamay sa aking bewang at hinimas ng dahan-dahan.
"Hey love let's go, mahuhuli na tayo" at ngumiti.
Ezekier is a well-grown man with a height around 5'11 or 6'1 moreno, saktong jawline, mapupungay na mata, at napaka among mukha kaya hindi nakakapag takang nasabi iyon ng mga babae kanina.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...