"Hala!"Lahat kami ay napa sigaw ultimo staffs na malapit saamin ay napag sigaw rin ng matapunan si Kersh ng aking iniinom na Frappuccino. Lintek naman kasi si Alyssa Sandoval! Buti na nga lang at wala pang mga artworks na naka lapag at nakalagay sa kung saan. Baka ako pa sisihin.
Napa-iling si Kersh dahil natapunan lang naman ang kaniyang black long sleeves at tapon na tapon lang naman iton sa damit niya.
"Oh my god shit, sorry." agad kong sinabi at inayos ang aking sarili mula sa pag kaka-alog ni Aly.
"Sorry, sorry." ika ni Aly at akmang kukuha na ng tissue.
Nagulat kami ng agad namang hinubad ni Kersh ang kaniyang long sleeves na natapunan harap namin. Hindi ko alam kung titingin pa ba ako o kung ano.
Umiwas ako ng tingin at agad nagsalita si Kersh.
"Its okay may extra shirt pa ako sa kotse kukunin ko na lang yon."
"Ipakuha mo na lang sa staff sasamahan ko na lang." suggestion ko.
Kung tutuusin kasalanan ko na rin naman kung bakit siya natapunan. Kung hindi lang sana natapon iyon ay hindi siya mag huhubad sa harap namin. Tsaka, sino ba namang matino ang pag-iisip ang biglang mag huhubad sa harap ng maraming tao?
"Uhm okay, nasa may frontseat lang siya nakalagay." aniya at inabot ang susi sa akin.
"Ate Eden, paki samahan naman po si Krisantta para kunin yung damit ni Kersh." ika ni Aly.
Lumapit naman agad ang staff niya at agad na kaming lumabas. Habang papalabas ay naririnig kong nag chi-chismisan ang ibang babaeng staff ni Aly.
"Ang gwapo na, ang ganda pa ng katawan!" gigil na sinabi ng babae.
"Kaya nga mga pinapangarap talaga na bachelor kaya swerte ng kung sino mang babae niyan!"
Kung sino mang babae niyan? Teh ang dami niyang babae kay swerte nga "mga" babae niyan kung alam mo lang.
Ang haharot jusko po!
Nang makalabas na kami ay agad kong binuksan ang kotse at agad na kinuha ang black shirt na nakatupi ng maayos at nakalagay sa upuan sa front seat.
Black na naman? Ilang beses ko na siyang nakikita at halos black ang kaniyang damit.
Napansin ko na ang bango ng sasakyan niya saktong-sakto lang talaga sa pang-amoy. Inabot ko ang damit kay Ate Eden at sinara at lock na ang kotse ni Kersh.
"Ate Eden kayo na po ang mag-abot ng shirt at susi kay Kersh ah?" sabay abot na rin ng susi.
"Opo Ma'am."
Nagka ngitian kami at sabay na pumasok sa loob ng venue. Nang makarating ay inabot na agad ni Ate Eden kay Kersh ang tshirt at susi. Lumapit na ako kay Kathleen at Aly.
"Guys back to work kailangan nating ma polish lahat, bukas na ang event!" ika ni Aly at isang iglap ay kumilos na ang mga ito.
"Mr. Sanchez pasensya ka na talaga, hindi na mauulit." nahihiyang sinabi ni Aly.
Buti naman nahiya ka pa sa ginawa mo. Pati tuloy ako nadamay. Patong-patong na utang ko diyan sa lalake na yan!
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romansa[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...