HINDI.
I mean natuwa ako sa part na nakasama ko si Aly at Kier sa dinner, mas masaya pa nga sana kung kasama sila Kathleen *kaso baka ilaglag lang ako ng mga yon*
Pero sa part na kasama si Kersh? Hindi eh as in hindi. Yung alam mo yon parang may mali na hindi ko malaman kung dapat ba akong matuwa, matakot, o kabahan sa kaniya.
Bawat tingin ng mapupungay niyang mata sa akin kulang na lang isipan ko ng kung ano. Can't deny he's attractive kahit itanong mo pa kay Aly kasi sobrang pabebe niya kanina Hahaha!
Ng naka sakay na kami sa kotse ni Kier ay nag pop up ang isang message.
From: Aly
"Kilala kita, alam kong pinag takpan mo na naman mali mo."
Ayun kilalang-kilala niya nga ako.
I replied
To: Aly
"I have to.."
Nilagay ko muna sa aking sling bag ang aking phone, baka mahalata ni Kier at matanong pa kung anong pinag uusapan namin ni Aly magtaka pa dahil hindi ako kumikibo masyado kanina sa dinner.
"Ayos ka lang ba love?" tanong bigla ni Kier.
"Oo naman nakakapagod lang." sagot ko.
"You enjoy the dinner?" tanong niya ulit
Gusto kong sabihin na hindi ako mag enjoy, na binalot ako ng kaba na hindi ko malaman daig ko pa constipated sa naramdaman ko kanina lalo na pag may sinasabi yung Kersh na yon.
"Uhm yes love I enjoy it, lalo pa kasama kita." I smiled.
Napaka plastic Krisantta ha..
Hinayaan ko munang mag drive ng maayos si Kier at hindi ko dinaldal dahil ramdam ko rin ang pagod.
Bandang 11:00 pm ay dumating na kami sa condo. Bahagyang na traffic kaya late na kami masyado nakarating.
Inaya ko siyang umakyat muna kahit saglit pero kailangan niya na talagang umuwi dahil 8am sharp ang simula ng kaniyang meetings bukas.
Tinanggal ko na ang seatbelt at humalik sa kaniya.
He kissed me back, napahawak siya sa aking pisngi para mas dumiin at marahan ang kaniyang pag halik.
He sucked a bit on my lower lip and slightly push his tongue to have some access on my mouth. Pakiramdam ko'y makakatulog at mawawala ako sa wisyo ng bumaba pa sa bewang ang kaniyang kamay at dahan-dahan hinahaplos.
Bigla kaming tumigil, na realize naming nasa kotse pala kami.
Bitin.
"Goodnight love, please sleepwell." ika ni Kier.
"Goodnight din, mag pahinga ka agad pag-uwi okay? Iloveyou." sagot ko sa kaniya at dumampi ng halik sa kaniyang pisngi.
Bumaba na ako sa kaniyang kotse at kumaway ng bahagya at agad na rin siyang umalis. Pumasok na ako sa lobby at hinabol ang pasarang elevator ng biglang bumungad si Kersh at isang babae na akala mong linta na hapit na hapit sa kaniya.
Si Kersh?!
Anong ginagawa ng lalake na to dito?
Ramdam ko na nakita niya ang reaksyon ko ng makita siya dito.
Agad na lang akong pumasok sa elevator na kunwari'y hindi nagulat. Pinindot ko ang 15th at pinindot na niya ang close button ng elevator.
"I really missed you babe ang tag mong hindi naka punta dito." ika ng babae at pilit dinidikit ang sarili niya kay Kersh.
"Im busy doing some errands." sagot balik ni Kersh sa babae.
Nagsa-walang kibo na lamang ako at ng makarating na sa 15th floor ay agad na akong lumabas ng biglang mag salita si Kersh.
"Dito pala ang condo mo, dapat dito na kita inuwi." At ngumiti
WHAT?
ANONG INUWI?
PINAGSASABI NETO?
Hindi na lang ako kumibo at hinayaan na sila nung hipon na babae. Pinagsasabi ni Kersh? Tinamaan ata siya sa na inom niyang wine kanina.
Binalewala ang kaniyang sinabi at agad na dumiretso papunta sa aming unit. Pinabayaan ko sila nung hipon hahaha! Mukha naman talagang hipon na may ugaling linta duh!
Ng binuksan ko na ang pinto ng unit ay bumungad si Kathleen na nasa dining doon inaasikaso ang kaniyang gawain.
"Ang late na ah, bukas mo na gawin yan."
"Hindi pwede deadline bukas ng mga to." sagot niya.
"Nag e-enjoy ka talaga sa pag cram noh?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.
"Shut up. May kasalanan ka sa akin."
"Aba ano na namang nagawa ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Tinawagan ako ni Aly halatang nag sinungaling ka kay Ezekier. Ano na namang dinahilan mo?"
"Hindi ako nag sinungaling ayokong lumaki yung bagay-bagay kilala niyo naman si Ezekier di ba? Minsan ang lakas gumawa ng gulo non lalo na kapag tungkol na sa akin, isa pa hindi naman natin kilala lahat kung sino ba yun." giit ko kay Kathleen.
"Wala ka ba talagang naalala kung sino yon?"Tanong niya ulit sa akin.
"Believe me wala talaga akong naalala."
"Huwag mo lang paabutin sa puntong si Kier pa ang makaalam niyan kung ako sayo mag linis-linis ka na Krisantta." pag babantang sinabi ni Kathleen.
Wait.. tingnan ko kaya ulit yung video na sinend ni Hera.
Umupo agad ako sa tabi ni Kathleen at agad binuksan ang aking phone. Binuksan ang telegram app at tiningnan ulit ang video na kung saan may ka bodyshot ako.
Nalintikan hindi ko kayang tingnan to ng maayos.
Pero teka nga..
Inayos ko ng maigi ang panonood ng vid halatang lahat kami dito ay lasing na at parang wala ng malay sa sasabihin.
Inayos ko ng maigi ang tingin ng makita ng maayos ang lalake na bina-bodyshot ko..
Agad kong pinindot ang home at natahimik. Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig.
"Inaantok na ako bukas na lang natin alamin." giit ko kay Kathleen.
"Ayos ka lang ba? Namutla ka ata." pagtatanong ni Kathleen.
Ngumiti na lamang ako kay Kath at agad ng dumiretso sa aking kwarto. Hinubad ang aking heels at napahiga na lamang sa kwarto.
SHIT
SHIT!
SHIT!It's him.
BINABASA MO ANG
In your eyes (On-going)
Romance[ON GOING] Maria Krisantta Cua. Kaya bang pag-takpan ng kasinungalingan ang pag-kakamali? Madali bang takasan ang lahat ng nakasanayan? Note: This story isn't pure fictional. Some are based on my real life experiences. Ps: inagiw at inalikabok n...