Chapter 22: Nasi Goreng

5 0 0
                                    



Bumalik ako sa loob at inisip ang mga sinabi ni Tita Ledesma. Hindi na mawala sa isip ko yung mga bagay na yon.



Nang makabalik sa loob ay agad kong nakita si Kathleen at sinalubong.




"Bakit tumawag si Tita?" bungad niya sa akin.





"Ahh.. nangamusta lang." pilit kong sagot.




"Ayos ka lang ba Krisantta?" pag aalala niyang tanong.






Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sasabihin ko ba kay Kathleen ang na kwento ni Tita Ledesma?





"Pag-usapan natin pag nasa condo na tayo." sagot ko.





Ngumiti siya at tumango sa akin. Sumama na ako pabalik. Isinantabi ko muna ang pinag-usapan namin ni tita Ledesma dahil ayokong mahalata ng aking mga kaibigan.




Ayoko namang pati sila mapa-isip na rin. Kaibigan din naman nila si Ezekier at kung may problema o hindi pagkakaintindihan ay dapat kami muna ni Kier ang unang makaalam at makaayos neto.




Ng makabalik na kami ay patuloy pa rin silang kumukuha ng pictures at selfies para sa kaniya-kaniyang IG story nila. Napansin naman ako ni Hera at kinausap.




"Bakit nga pala napatawag si Tita Ledesma sayo?" aniya.





"Inimbitahan lang ako kumain sa kanila tapos nangamusta na rin sa akin tsaka sa inyo." sagot ko at ngumiti sa kaniya.




"Buti pa si Tita Ledesma nangangamusta yang lintek na kaibigan slash boyfriend mo hirap na abutin bihira na lang magparamdam." Daldal ni Hera.






"Baka naman sa sobrang busy niya baka relasyon niyo napapabayaan na ha! Tatamaan yan si Kier sa akin Krisantta!" dagdag niya.






"Hindi naman tsaka naiintindihan ko rin naman haynako Hera lumalaki na tayo kailangan na nating matutunang unawain at huwag na palakihin yung mga bagay-bagay."






"Eh bakit parang hindi ka okay pag katapos kang tawagan ni Tita Ledesma?" aniya.






Sasagutin ko na sana ang katanungan ni Hera ng bigla namang sumigaw si Eunice dahil nahuhuli na kami sa kanila at nag-aaya sila kumuha ng pictures.






Mabuti pa sigurong tsaka ko na sabihin kay Hera baka bigla netong sugurin si Ezekier. Maayos naman ito kaagad kapag napag-usapan na namin ni Kier.




Maayos nga ba?





"Kukupad-kupad kayo diyan! Sulitin na natin ito habang magkakasama tayo dahil sa susunod na araw busy na tayo." ika ni Sheena




"Yep Sheena's right so, walang kukupad Krisantta ha?" Pang-aasar ni Eunice.





Nagtaas ako ng kilay at nagpatuloy kami sa pag lilibot sa expo at kaunting pictures at tawanan. Sinusubukan isantabi muna ang pinag-usapan namin ni Tita Ledesma pero habang sinusubukan ko, nakaramdam lang ako ng sakit ng ulo.







Kaunting kwentuhan ng biglang lumingon sa akin si Kathleen.





"Krisantta you look so pale, ayos ka lang ba?" Biglang sinabi ni Kathleen.




Tiningnan ko ang aking sariling repleksyon sa isang art work at napansin ko ngang namumutla ako.




"Oo naman wala to." sagot ko at dinampi ko ang aking kamay sa aking namumutlang labi.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon