Chapter 14: Frappuccino

15 4 0
                                    


"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.



"Oo naman ayos lang."



"Ganun ka pala magalit?" aniya.





"Whatever, kanina ka pa hinihintay ni Aly sa loob aligagang-aligaga na siya doon."







"Nahuli ako kasi nag order ko ng maiinom, mahirap mag sink in ng idea kapag walang lamang kaya mas mabuti kahit liquid man lang."








At may inalok na isang frappuccino sa akin.






Tatanggihan ko ba ito dahil siya ang nagbibigay? Pero paborito ko ito, paboritong-paborito. Sa huli tinanggap ko na lang ang inaalok niya frappuccino.





Wala eh marupok tayo. HAHAHAHA!






"Mahilig ka ba dito?" tanong ko.





"Yes one of my favorite how 'bout you?" balik niyang tanong sa akin.







"Hmm oo hindi ko nga alam bakit hindi ito nakahiligan ni Kier eh."






"Sakto lang pala at may binili ako." aniya.




"Para kanino ba dapat ito?"





Ngumiti siya bago mag salita.





"Kay Aly sana kaso naabutan kitang mainit ng ulo pero meron ba doon sa kotse nag order ako ng para sa lahat papasok sana ako para mag patulong sa isa sa mga staff." ika ni Kersh




Wow seryoso ba yun? Meron siya para sa lahat?






"Let me help you na lang. Mahirap kung abalahin mo pa yung ibang staff ni Aly baka kasi mag ala tigre na naman yun pag napansin niyang kulang tauhan niya sa loob." sagot ko.





"Sigurado ka? Naka dress ka pa naman." giit ni Kersh.






"Ayos lang hindi naman sako ng bigas bubuhatin ko."  sarkastiko kong sagot sa kaniya.







Natawa siya ng konti. Kahit ako natawa ako sa sinagot ko, bakit ko naman kasi naisip na yung idea na magbubuhat ako ng bigas at dinahilan ko pa.








"Ah okay tara nasa kotse."





Papunta na sana kami sa kaniyang kotse ng biglang may sumigaw na babae..






"HOY KRISANTTA SINO YAN HA! HINDI NAMAN YAN SI EZEKIER AH! AKALA KO BA MAY KAKAUSAPIN KA LANG SA TAWAG!!"





May iilan na taong dumadaan ang napatingin sa amin ni Kersh. Halata sa mukha na nagdududa.




Lintek na Kathleen to! Hindi ba siya nag-iisip?






"Itikom mo yang bibig mo! Skandalosa ka kahit kailan! Partner to ng butihin nating kaibigan sa expo! Tutulungan ko siya dalhin yung frappuccino sa loob!" sigaw ko pabalik sa kaniya.







Napahiya si Kathleen sa kaniyang sinigaw at agad na lumapit sa amin na parang maamong tuta.








"Hindi mo naman kasi sinabi agad, edi sana hindi ako nag sisigaw." at hilaw siyang tumawa sa amin.






In your eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon