Hindi ko maiwasang mataranta, nang makapasok na ako ng hospital. Nangingig ang kamay ko.
"K-khaning wait lang." I heard my papa's voice from behind.
"P-pa. Kasi si David ih" I gulp.
Nilingon ko sya ang direksyon ni papa, nakahawak sya sa tuhod nya. Nanlalabo naman ang mata ko, nang tumakbo palapit sa kanya.
Inangkla ko ang kamay ko sa braso nya para suportahan ang bigat nya. Marahan ko syang hinila patayo.
Nakatingin si papa sa may pintuan. "K-khaning. Ikuha mo muna ako ng t-tubig."
Nataranta akong Tumango. Agad akong lumapit sa isang nurse para humingi ng tulong. I'm sure they have it.
"Sorry, miss ah." Kinuha ko ang plastic na baso sa kamay nya. "E-emergency lang kasi ih"
Pasimple kong nilingon si papa. Nakatuon ang atensyon nya sa kanan nya. Hindi ko na lamang pinansin 'yon.
"P-pa" I gulp. "Eto na oh." Marahan kong inabot sa kanya ang baso.
Akmang lilingunin ko ang titignan nya kanina, nang bigla nya akong hinila.
"K-khaning. H-hindi ako makahinga-" Saad nya habang ang isang kamay ay nakalapat sa dibdib nya.
Namilog ang mata ko. "Nurse! Nurse!"
Ilang nurse ang napatingin saamin. Agad naman silang lumapit kay papa. One of them were checking his blood pressure.
Ilang ulit kong nilingon ang likod ko. Shit. Ano na kayang nangyare Kay David. Napabuntong hininga nalang ako ng ibaling kong muli ang atensyon ko kay papa.
"O-okay ka na ba pa?" Puno ng pagaalalang tanong ko.
Napakunot ang noo ko, nang tignan nyang muli ang kanang direksyon. Bago lumipat ang tingin nya saakin.
"Medyo n-nahilo ako!" Hinawakan nya ang ulo nya gamit ang dalawang daliri.
"N-nurse" I gulp. "B-baka naiinitin sya?" Natatarantang saad ko.
"Ma'am. Normal naman po ang blood pressure nya." She pout. "Baka po napagod lang si Sir, but don't worry your father is in the right condition po."
Nilingon ko si papa. "S-sigurado ka?" I hold my papa's arm. "Pwede bang pa re check. Gusto ko lang makasiguradong okay lang sya."
Tumango lang ang nurse bago pagbigyan ang gusto ko. Ilang ulit kong nilingon ang likod ko. Shit. Pinalibot ko ang tingin ko sa buong hospital na abot ng paningin ko. Nasan na kaya sya?
"M-miss. May tinakbo ba ditong lalaki kanina?" I gulp. "Parang nabangga ata sya-"
Agad naman nawala ang pagkakunot ng noo ng nurse. Parang may naalala sya.
"Ano hong itsura? Bata po ba o matanda?" The nurse nervously smile. "Ang dami ho kasing tinakbo dito ih-"
"Medyo maputing lalaki." I gulp. "Matangkad, matangos yung ilong———shit. Ano ba tong sinasabi ko."
"Chloe!" Kumabog ang dibdib ko ng marinig ko iyon.
"Clement!" Nilingon ko muna si papa bago ako tuluyang lumapit sa kanya.
"N-nasan si David?"
Nakita ko ang paglingon ni Clement kay papa bago sya muling tumingin saakin.
"Clement!" I clasp my hand to get his attention. "Nasan si David?" Tanong ko bago linungin ko ang paligid.
Kumunot ang noo ko sa suot nya. He's wearing coat and tie. Shit. Is he in the middle of business meeting?
"N-nasan sya?" Ulit ko muli.
Bakas ang pagkataranta sa boses ko.
YOU ARE READING
Limerence: Untold Story Of Tears (BS2)
General FictionLife seems to be so dark, or he is just playing blind. He's a victim of circumstances, a man trained to fight for his motherland. But seems so weak to stand up for his woman. A woman, so pure that always care for everyone. She loves her friend more...