11: The Man in the Hoodie

2.8K 220 14
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

CHAPTER 11: THE MAN IN THE HOODIE


SUOT ANG SHADES kong kulay pula ay taas-noo akong naglakad sa hallway ng school. Rinig ko ang mahinang bulugan at pagsulyap saakin ng mga studyante ngunit hindi ko ito binigyan pansin. 

"Balita ko inaresto daw siya kahapon."

"Oo nga tapos na-bail daw dahil binayaran niya ang mga pulis."

"Ang narinig ko ay nilandi niya daw ang detective kaya pinakawalan."

I stopped walking.

Napalingon ako sa narinig kong nagsabi nung huling pahayag at nilapitan ito. I saw how her eyes widened and body stiffened. Napansin ko ang bahagyang pag-layo sakanya ng mga kasama niya.

"Paki-ulit ang sinabi mo?" I commanded while flashing her my sweet smile.

"P-po?" Nauutal niyang sabi habang iniiwas ang tingin saakin. I grabbed her chin and forcedly turned her head to face me.

"I don't like repeating what I said." I impatiently muttered.

"S-sorry Lucy. Hindi ko sinasadya." Nauutal niyang sabi. Kita ko ang takot na rumehistro sa kanyang mukha. I tapped my foot against the tiled floors, still waiting for her to answer me. She gulped before speaking. "A-ang narinig ko ay nilandi niya daw ang detective kaya pinakawalan." Pahina ng pahina ang boses niya ngunit narinig ko parin 'to.

I smiled. "Saan mo naman narinig 'yan?"

"Sa tabi-tabi lang." Impit niyang sagot.

Marahas kong binitawan ang ulo niya kaya nahulog siya sa sahig. Inalalayan naman siya ng dalawa niyang kasama.

"Don't believe everything you hear, honey." I said, still smiling. "I don't flirt with stupid, cheap ass people." Nawala na ang ngiti ko. Naiisip ko palang ang detective na 'yon gusto ko na siyang sakalin at kalmutin sa mukha.

I immediately turned around. Nakita kong maraming nanonood saamin kaya sinamaan ko sila ng tingin. Nang umiwas sila ng tingin ay umalis na ako doon at dumiretso sa locker area. Hindi ko naman inaasahan na makita ang isang tao doon.

"Donovan.." Mahina lang ang pagkasabi ko pero mukhang narinig niya 'yon at napalingon sa gawi ko.

"Luce."

I faintly smiled. "Ano? Pagbibintangan mo nanaman ako tungkol sa pagkawala--"

He shook his head. "I know you didn't do it." Napamaang ako sa sinabi niya. "Kahit galit ka kay July, hindi mo 'to magagawa sakanya. After all, you two were best friends before."

I mentally rolled my eyes. Oh Donovan, hindi mo lang alam. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na gawin 'to kay July ay tatanggapin ko ang oportunidad na iyon ngunit naunahan ako. I don't really care about July or whatever happened to her.

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon