Chapter theme: say yes by punch. kaway kaway sa mga ka-scarlet heart dyan!
* * *
CHAPTER 12: FUN FEATURING THE STRICT GUARDIAN
"HEY, WHERE ARE the others?" Tanong ko nang si Parcival lang ang naabutan ko sa tambayan namin sa likod ng school. Tuwing break kasi namin ng tatlong itlog ay either nasa cafeteria kami o dito sa tambayan namin. Iilan lang ang mga upuan at lamesa dito dahil ang pwestong ito ay parang maliit na garden na may fountain pa sa gitna.
He shrugged, briefly glancing at me before returning his attention to the book he was reading. Napaka seryoso ng itsura nito, samahan mo pang nakasuot ito ng reading glasses kaya mukha siyang striktong propesor. Kung hindi ko lang alam na istudyante 'to, iisipin kong propesor ito.
Ganyan 'yan si Parcival. Total opposite ng kaibigan niyang si Dash na walang alam kun'di gumawa ng kalokohan. Imbis na nagsasaya tuwing break, nagbabasa lang si Parci ng libro o di kaya'y nagaaral. Sa totoo lang, hindi ko alam paano 'to naging kaibigan ni Dash.
Kinuha ko ang phone ko at nag-laro nalang ng games doon ngunit wala pang limang minuto ay nabored kaagad ako. Sinilip ko si Parci at nakitang seryoso parin itong nagbabasa. Tumikhim ako ngunit parang wala lang itong narinig.
"Are you ignoring me Parcival Syjuco?" Pagtataray ko dito.
He didn't answer.
Naghalumbaba ako sa mesa before batting my eyelashes ngunit hindi parin siya tumitingin saakin.
I pouted, "Parci are you seriously ignoring me?"
No response.
Okay, that's it!
Kinuha ko ang librong binabasa niya at inupuan 'yon. He arched an eyebrow before looking at me.
"Now, I have your attention." I said, smiling triumphantly.
He rolled his eyes, "I was reading that."
"I know. Pero hindi mo ako pinapansin kaya kinuha ko." Parang bata kong pagmamaktol.
He removed his reading glasses and returned them in its case. "Why? What's your problem now?"
I squinted my eyes. "You mean, what's your problem? Kanina mo pa ako hindi pinapansin!"
He sighed and massaged his temple. "Like I said, Lucy, I was reading."
"I know, but when you read naman pinapansin mo parin ako. Ngayon sinasadya mong hindi ako pansinin eh." I said, puckering my lips. "Is this about what happened yesterday?" Nanatili siyang nakatitig saakin kaya naman napasinghap ako. "So it is about yesterday! You're still mad about that?"
Nagalit kasi siya saakin kahapon matapos ang nangyari sa klase. Sabi niya saakin hindi ko daw dapat binabalewala ang studies ko and dapat hindi daw ako sumasagot sa mga mas matatanda saakin.
BINABASA MO ANG
Where is July? (Wattys2020 Winner)
Mystery / ThrillerLucy de Asis is a bully and a bitch and she doesn't care what others think of her. But when she gets blamed for her archnemesis' sudden disappearance, she devises a plan to prove her innocence―by finding out what truly happened the night of July 13t...