16: He Who Upholds the Law

2.6K 201 27
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

CHAPTER 16: HE WHO UPHOLDS THE LAW


THE FOUR OF us ditched class para pumunta sa isang drug testing center that was an hour away from Mithril University. Iyon lang ang pinakamalapit na drug testing center sa lungsod kaya wala kaming nagawa kun'di doon pumunta. Sinabi saamin na babalik daw ang results after 24 to 72 hours pa kaya naisipan naming umalis na muna. Nag-iwan kami ng number na itetext nila kung sakaling lumabas na ang results.

Kotse ko ang dala namin ngunit si Dash ang nag-ddrive at ako naman ang nakaupo sa passenger seat. Ang dalawang itlog naman ay nasa likod nakaupo. Kasalukuyan naming pinag-uusapan ang nangyari sa party.

Bahagya akong tumagilid para silipin ang dalawa sa likod. "Kung wala kayong nakitang kahina-hinalang tao, how about someone who was behaving strangely?"

"Anong ibig mong sabihin Lucybells?"

"Yung bang parang balisa o parang may tinatago, ganun?" Wika ko.

"Sis, party yun, malamang hindi ako pumunta doon para mag-obserba ng mga tao! Nandun ako para mag-saya." Pairap na sagot ni Cafe.

I rolled my eyes bago sunod na tinignan si Parcival na nakahalukipkip lang at nakatingin sa labas ng bintana. 

"Parci?" I called. 

Napalingon siya saakin at nagkibit balikat. "I didn't notice anyone either."

I sighed at umayos na ng upo. Maya-maya ay lumingon ulit ako sa kanila.

"Then ikwento niyo nalang saakin ang nangyari nung party." Wika ko.

"Yung buong pangyayari?" Tanong ni Cafe.

I nodded. "Yes, from your point of view."

Umakto naman siya na parang nag-iisip. "Hmm, nauna na ako sa party dahil dadalhin ko pa ang happy brownies ko so nandun na ako mga quarter to six. Tapos nakipagkwentuhan muna ako kay Nessa--"

"Who's Nessa?" I asked, cutting him off.

He raised an eyebrow. "Yung may ari ng bahay hindi mo kilala? Siya yung host, teh!"

"Oh yeah, Vanessa? That girl's hot!" Natatawang komento ni Dash. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Bahagya siyang napasulyap saakin at muling tumawa. "Don't worry boss babe, ikaw lang ang boss babe ko so huwag mo siyang pag-selosan. Isang beses lang naman kami nag--"

"Stop! I don't need the details of your disgusting sexual escapades." Nandidiri kong wika. Naalala ko na, yun pala yung babaeng hinawakan ni Donny sa balikat nung ininvite niya ang huli sa party niya. Meh, she's fine. But I'm prettier and hotter than her!

"Continue, Cafe." I commanded.

"Asan na ba ako? So ayun nga, nagkwentuhan muna kami ni Nessa kasama ang ibang niyang mga kaibigan--"

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon