24: The Grey Area

2.6K 220 44
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

CHAPTER 24: THE GREY AREA


ONLY THE SOUND of my nails tapping against the surface of the metal table can be heard over the deafening silence. I sat impatiently as I waited for him to join me in this room. Pangatlong beses ko na nakapunta sa kwartong ito at tulad ng dati, mariin kong tinitigan ang CCTV na nasa sulok ng kwarto.

I can't believe I'm saying this pero bumalik ako sa police station para kausapin si Detective Pito. Lumabas muna siya saglit dahil tatawagin niya daw ang kasamahan niya, marahil si Detective Uno ang kanyang tinutukoy.

Friday ngayon ngunit imbis na pumasok, dumiretso ako dito para kausapin si Pito.

Biglang bumukas ang pinto kaya napaikot ako ng mata.

"Finally!" I flashed a sarcastic smile.

Hindi ako pinansin ni Pito. Umupo siya sa harap ko at tumabi naman sa kanya si Detective Uno, at tulad ng una naming pagkikita, nakangiti ulit ito.

"Hello Lucy, I believe we haven't formally met. I'm Ziven's partner, you can call me Detective Uno." Nakangiting pagpapakilala nito. Tinanggap ko naman ang kamay nitong nakalahad. Pasimple akong sumulyap kay Pito.

"Buti pa si Detective Uno, Lucy ang tawag saakin, hindi tulad ng isa dyan.." Pagpaparinig ko.

Sumandal si Pito sa upuan at pinatong ang ankle niya sa kabilang tuhod niya na para bang relaxed na relaxed siya.

"So bakit ka nandito? Aamin ka na ba sa wakas?" Nakangising wika ni Pito.

I rolled my eyes. "Bakit ako aamin sa isang bagay na hindi ko naman ginawa? Tanga ka ba?"

Napahalakhak naman si Detective Uno. "Tanga ka pala Ziven eh."

"Shut up." Inis na sambit ni Pito sa kasama bago masamang tumingin saakin. "What do you want?"

Sumeryoso na ang hitsura ko. Pinatong ko sa mesa ang folder na naglalaman ng impormasyong nakalap nila J tungkol kay Gerald Santos. To be honest, nag-aalinlangan ako kung dapat ko bang sabihin ang nalalaman ko sa dalawang detective na nasa harapan ko considering na boss nila ang maaari nilang makalaban but I'm taking my chances.

"Does the name Gerald Santos ring a bell?" I asked.

Pito snorted. "Why? Is that your accomplice's name?" He let out a smirk.

Hanggang ngayon ba ako parin ang pinaghihinalaan niya? Tss. I decided to ignore his stupid remark.

"No but it's the real culprit's accomplice." I answered with a serious look on my face.

Bigla namang nagseryoso ang itsura ni Pito. Looks like napansin niyang seryoso ang pag-uusapan namin.

"What do you mean?" Takang tanong ni Detective Uno.

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon