25: (Part 1) It Takes Two to Tango

2.5K 175 15
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

CHAPTER 25 (PART 1): IT TAKES TWO TO TANGO


I WAS NERVOUSLY pacing back and forth. Napatigil ako at napasapo sa aking noo.

Why did it have to be him?

Oo nga, walang pruweba na nagtuturo kay Donny bilang kasabwat nila Gerald at Aubrey ngunit nung nakita ko silang nag-uusap nang seryoso, napaka suspicious nilang tignan. Isa pa, bakit sila nag-uusap in the first place, close ba sila? Tapos nung nakaraan, sobrang sigurado si Donny na hindi ako ang may kagagawan ng pagkawala ni July. Tapos hindi ba't sinabi niya saakin na kumukuha siya ng updates tungkol sa case kay Aubrey dahil ang papa nito ang hepe ng pulis? Posible bang iyon ang pinaguusapan nila nung nakita ko sila? Na baka tungkol sa case lamang iyon at nilalagyan ko lang ng malisya?

UGH. I'm so confused!

Sinabi ko kina Pito ang nakita ko at sinabi niyang subukan kong kunin ang prints ni Donny para maikumpara sa natitirang unidentified print. Pumayag ako pero kinakabahan ako. 

Paano kung nag-match?

It's not that I don't trust Donny, I do.. but what if nasaktan talaga siya sa ginawa sa kanya ni July at naisipan niyang gumanti na? Posibleng iyon ang motibo niya ngunit, ano naman ang maaaring motibo ni Aubrey?

Hindi kaya't may relasyon sila?

I took a glance at the clock and silently cussed when I saw what time it was. Dali-dali akong dumiretso sa kotse at pinaharurot iyon papunta sa university.

Pito notified us that any time today, huhulihin na nila si Aubrey. Tulad nga ng inaasahan, nag match ang prints ni Audrey sa isa sa mga unidentified prints doon sa hideout ng culprit--or should I say, culprits.

Biglang nawala ang kabang naramdaman ko at napalitan ng pagkasabik. Unti-unting kumurba ang isang ngisi sa labi ko.

I can't wait to see Aubrey's face.

Pagdating ko sa classroom, hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. Bahagya akong napasulyap sa direksyon ni Aubrey at napansing nakakunot ang noo nito habang nakatingin saakin. Sinuklian ko lamang siya ng isang ngisi.

"Ganda ng ngiti natin ah." Wika ni Dash habang nakapahalumbaba sa mesa niya.

I smiled at him. "Of course, excited na ako sa mangyayari mamaya."

"Anong oras daw sila pupunta?" Tanong ni Cafe.

I shrugged, "no idea."

"Ms. Santos?" Bigla kaming napalingon sa pinto kung saan pumasok ang ninang ni Cafe na dean namin.

"Po?" Napalingon ako kay Aubrey at napansing nakakunot ang noo nito habang may pagtataka sa mukha.

"Come with me." Seryosong sambit ng dean. Lumabas na ito kaya walang nagawa si Aubrey kun'di sumunod.

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon