23: Backbone of the Plan

2.4K 208 18
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

CHAPTER 23: BACKBONE OF THE PLAN

[THIRD PERSON]


"MAY GUSTO KA bang aminin saakin Parcival?" Seryosong tanong ni Dash sa kaibigan. Break na nila ngayon at didiretso na sana sila sa cafeteria para kitain sina Lucy at Cafe ngunit hinigit ni Dash ang kaibigan sa isang tabi para kausapin ito.

Parcival stiffened. Alam niya ang pinapahiwatig ng kaibigan ngunit hindi niya alam na ngayon siya nito ico-confront.

"Bro, dalawang taon na tayo mag-tropa, sa tingin mo hindi pa kita kilala?" Wika ni Dash bago ngumiti ng mapakla. "Sa loob ng dalawang taon na naging magkaibigan tayo, ni isang beses hindi ka nagpakita ng interes sa babae. Nung bago ka palang dito, tinuro ko na sa'yo si Lucy, ang sabi ko sa'yo siya yung babaeng gusto ko."

Nanatiling tahimik si Parcival. Naikuyom niya ang kanyang kamao.

Dash sighed. "Matagal ko nang napapansin ang kakaiba mong pagtrato kay Lucy pero nagbulag-bulagan ako kasi alam kong alam mo ang nararamdaman ko para sakanya. Wala akong problema kung may magustuhan kang babae, susuportahan pa kita pero pare naman.. sa lahat ng babae, bakit si Lucy pa?"

"I didn't mean to." Mahinang wika ni Parcival.

"Bullshit!" Sigaw ni Dash. "Alam mo kung ano ang nangyari sa magulang ko. Naaksidente sila sa putanginang car crash at nung dinala sila sa ospital, walang nagawa ang mga doktor para isalba sila. Namatay sila sa ospital kaya simula nun, sinumpa kong hinding-hindi na ako babalik sa ospital pero nung muntik nang mamatay si Lucy.. pinilit ko.. pinilit ko ang sarili ko na pumunta sa ospital para sa kanya. Nilabanan ko ang trauma ko para sa kanya. Ganun kalalim ang nararamdaman ko para kay Lucy. Kahit nga alam kong mahal niya parin yung putanginang Donovan na yon, nanatili lang ako sa tabi niya kahit patago." Hinihingal na litanya ni Dash.

Mas lalo lamang naikuyom ni Parcival ang kanyang mga kamao.

Alam niyang siya ang nagkamali dahil nahulog siya sa babaeng matagal nang gusto ng kanyang kaibigan ngunit hindi niya napigilan ang kanyang sarili.

Simula nung tinuro ni Dash ang babae sa kanya nung sophomore year pa lamang sila, parang pati siya ay nabihag sa babae.

Nung una inaamin niyang nagkainteres lamang siya dahil hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ni Dash sa babae dahil masama ang ugali nito at parang wala itong magandang katangian, ngunit nung naging magkaibigan na sila ng babae, doon niya napagtanto na may kabaitan pala itong tinatago. Hindi niya namalayan, pati siya pala ay nahulog na dito.

"Kasalanan kong nahulog ako sa kanya pero hindi ko iyon pinagsisisihan." Seryosong tugon ni Parcival.

Natigilan naman si Dash sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at tinapunan ng isang suntok ang kaibigan.

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon