14: Spin the Bottle

2.7K 210 27
                                    

Disclaimer: Rated SPG (may contain graphic depictions of violence, sexual activity, strong language and/or other mature themes).

Disclaimer: Rated SPG (may contain graphic depictions of violence, sexual activity, strong language and/or other mature themes)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

CHAPTER 14: SPIN THE BOTTLE


"PASKO, PASKO, PASKO nanaman muli!" 

I glared at Cafe habang kumakanta siya papasok ng bahay ko. Nakasunod naman sakanya sina Parcival at Dash. I closed the door and crossed my arms across my chest while watching them get comfortable on my couch.

"Thanks for letting me stay for the night, bestie!" Maaliwalas na sambit ni Cafe. 

I scoffed. Mabait lang 'yan dahil pinayagan kong matulog dito. Paano, ayaw niya akong tigilan kanina sa school tapos ayaw rin naman nila Parci at Dash na matulog si Cafe dito na kaming dalawa lang kaya nagpresinta ang dalawang itlog na matulog din dito kasama si Cafe. Syempre, hindi ako pumayag pero kinulit ako ng tatlong itlog kaya hayan.

I cleared my throat to get their attention. Tinuro ko ang isang pinto malapit lang saamin.

"That's the guest room. Meron dyang dalawang kama. Sa second floor naman meron ding kwarto pero kina Mommy yun so hindi niyo yun pwedeng gamitin. Sa second floor din ang kwarto ko, yun yung may nakalagay na 'keep out' sa pinto so kung may kailangan kayo, iwasan niyo ang kwartong yun kasi hindi ko kayo tutulungan. Maliwanag?"

Dash raised his hand, as if nag-rerecite siya sa class. "Paano yun kung dalawa lang ang kama pero tatlo kami?"

I arched an eyebrow. "Problema niyo na 'yan. Kung hindi kayo makagawa ng paraan, edi umuwi nalang kayo."

"Joke lang boss babe. Sabi ko nga sa sahig nalang matutulog si Cafe." Sabi ni Dash bago ngumiti.

"Hoy! Anong ako ang sa sahig! Be a gentleman naman Dashybabes at patulugin ang babae sa kama. Or kung ayaw mo sa sahig, pwede naman tayong magtabi. Hihihi." Malanding sabi ni Cafe bago kindatan si Dash.

Dash's face paled. "Sa sahig nalang pala ako."

When I first met Dash, akala ko tulad siya ng ibang mga lalaki na walang alam kun'di makipaglandian. Simula freshman year, tuwing nagkakasalubong kami, wala siyang ginawa kun'di landiin lang ako so I thought he was an asshole, pero ngayong nasa same circle na kami, napagtanto kong mali pala ako. Habang tumatagal, I was starting to realize that Dash was a genuinely nice person. I can say that I treat him as a friend now.

"I'm hungry na, B!" Maktol ni Cafe.

"Edi kumain ka. Ano ako nanay mo para subuan ka pa?" Pagtataray ko sakanya.

"Hindi ikaw ang kailangan kong subuan ako. I have my boy toys for that." Cafe said, giggling.

Tatlo kami ni Dash at Parcival ang nandiri sa sinabi ni Cafe. We all made disgusted faces.

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon