25: (Part 2) But Three is a Tangle

2.5K 196 68
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

CHAPTER 25 (PART 2): BUT THREE IS A TANGLE

[THIRD PERSON]


ISANG LINGGO NA ang nakalipas mula nang mahuli si Aubrey at mula rin nung humingi ng tulong si Mila sa grupo nila Lucy upang mapatunayan na inosente ang kanyang kaibigan na si Aubrey. 

"Wala parin ba?" Malungkot na tanong ni Mila.

"Sorry Mila dear," wika ni Cafe bago umiling.

Napabuntong hininga naman si Mila at matamlay na tumabi kay Dash. Biglang umalingawngaw ang tunog ng isang ringtone at nang makita ni Lucy na sa phone niya ito galing ay kinuha niya ito mula sa bulsa niya. Nang makita kung sino ang tumatawag, kaagad niya itong sinagot.

"Pito." She answered. Napatingin naman ang apat sa kanya.

"Lucifer, nag-salita na si Aubrey." Sagot ni Ziven sa kabilang linya. Narinig ni Lucy ang pangalan na tinawag sa kanya ng detective ngunit hindi niya nalang iyon pinagtuunan ng pansin. Alam niyang magsasayang lang siya ng oras kakasaway dito dahil hindi parin ito titigil sa pagtawag sa kanya ng pangalan na iyon kahit anong saway niya dito.

"Oh? What did the bitch say?" Ang naitanong ni Lucy.

"I can't tell you because it's confidential."

Nakaramdam naman ng pagkainis ang dalaga. Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa narinig. "Kung confidential pala bakit mo pa ako tinawagan? Nang-aasar ka ba?"

"It's confidential but..." Ziven paused, "there's something she confessed that I can confide with you." 

"Shoot." 

"Aubrey confessed that July Castillo is still alive."

Natigilan si Lucy sa narinig. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Dalawang bagay ang nakuha niya mula sa sinabi ng detective. Una, umaamin na talaga si Aubrey na siya ang may kagagawan ng pagkawala ni July. At pangalawa, buhay pa si July. Si July Castillo. Ang taong pinaka-kinaiinisan niya sa balat ng lupa.

Lucy would be lying if she said that she didn't feel a tad disappointed with the news. 

She bit her lower lip. "Ah.."

"Ah? That's it?" Nagtatakang tanong ng detective sa kabilang linya. Akala niya ay tatalon sa tuwa ang dalaga matapos malaman ang balita na buhay pa ang schoolmate nito.

"Yeah, why? Were you expecting a different reaction?" Taas-kilay na tanong ni Lucy.

"Ah, you're really unbelievable." Natatawang komento ng detective.

Lucy rolled her eyes. "Whatever."

"Anyway, we need to ask you some questions. Go to the station. Bring your friends and your boyfriend with you."

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon