* * *
CHAPTER 20: BEST OF BOTH WORLDS
HINDI KO NAMALAYAN na nakatulog na pala ako rooftop. Nagising ako na sumasakit ang leeg ko, marahil isang stiff neck ang nakuha ko mula sa pagtulog kong nakaupo. Napatayo ako at pinagpagan ang suot ko.
I looked up the sky and saw that it was beginning to get dark. Tinignan ko ang orasan at nakitang lagpas alas singko na. Nakita kong may iilan akong missed calls mula sa tatlong itlog, pero ang pinaka marami ay galing kay Parci.
Napairap naman ako. Siguro balak lang akong sermonan ng isang 'yon.
Dumiretso ako sa pinto at binuksan iyon, ngunit ayaw nito bumukas. Hinila ko pa lalo ito kaso ayaw talaga. Napasipa ako sa pinto sa sobrang inis. Nasa loob ang lock nito kaya siguro yung couple na naabutan ko dito kanina ang nag-lock ng pinto.
Tsk.
Biglang nag-ring ang phone ko. Hindi ko na sana ito sasagutin kaso naalala ko kung ano ang lagay ko ngayon. Wala akong choice kun'di sagutin ang tawag.
"Where are you?" Bungad niya pag-sagot ko.
I frowned. "Paki mo?"
"Lucy, it's not time to throw tantrums. Mula ala una pa kitang hinahanap, saan ka ba pumupunta?!" Naiinis nitong bulalas.
Mula one o'clock? Eh may klase kaya 'to. Nag-cut ba siya? Imposible! Masyadong importante sa kanya ang pag-aaral kaya there's no way that he ditched class just to look for me.
I sighed, "I'm at the rooftop--"
"Okay. Wait for me." He said, cutting me off. Pinutol niya na ang linya kaya wala na akong magawa kun'di hintayin nalang siya.
Malamang, nastuck ako dito talagang wala akong choice kun'di hintayin talaga siya.
Wala pang limang minuto, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang humahangos na si Parcival. Blanko parin ang kanyang ekspresyon ngunit alam mong tumakbo ito dahil malalim ang paghinga nito at pinagpapawisan rin siya.
I was about to ask why he ran nang bigla akong matigilan sa ginawa niya.
He wrapped his arms around my body. I stiffened as he continued to hug me as if matagal kaming hindi nagkita. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko at huminga ng malalim.
I remained in place. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact.
Lumayo siya ng bahagya ngunit nakahawak parin siya sa magkabila kong balikat. He looked at me with a serious look on his face.
"I'm sorry."
What?
"I'm sorry for what happened. I didn't take her side but I guess that it looked that way." He continued, heaving a deep sigh. "I-I was worried. We couldn't contact you after you left."
BINABASA MO ANG
Where is July? (Wattys2020 Winner)
Mystery / ThrillerLucy de Asis is a bully and a bitch and she doesn't care what others think of her. But when she gets blamed for her archnemesis' sudden disappearance, she devises a plan to prove her innocence―by finding out what truly happened the night of July 13t...