Epilogue

5.1K 326 66
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *


DALI-DALI KONG sinipa ang baril na hawak ni Mila ngunit masyadong mahigpit ang kapit niya dito kaya imbis na tumilapon ay umangat ang nguso nito sa ere at hindi niya sadyang nakalabit ang gatilyo. 

Sinamaan niya ako ng tingin ngunit bago pa man siya mahimasmasan sa ginawa ko ay kaagad ko siyang sinunggaban. Marahas naming pinag-agawan ang baril hanggang sa tuluyan itong tumilapon sa malayo. Hindi ako nag-sayang ng oras at kaagad siyang sinapak sa mukha. Napa-atras siya at sandaling natigilan.

I smiled evily, "hindi ka na makalaban ngayong wala ka nang hawak na baril?"

"Bitch." She spat. Isang masamang tingin ang pinukol niya saakin bago ako sinapak ngunit naiwasan ko iyon. I kicked her in the groin, effectively immobilizing her for a second. Kaagad ko siyang sinapak sa leeg kaya napaubo siya. I tackled her to the ground and pinned her arms above her head. Sinubukan niyang kumalas mula sa pagkahawak ko ngunit mas diniinan ko lamang ang kapit sa kanya.

Sasapakin ko sana ulit siya nang may marinig akong mabibigat na yabag sa likod ko. Bigla akong nakarinig ng pagkasa ng baril at ang malamig na nguso ng baril sa tapat ng sentido ko.

"Bitawan mo siya." Malalim ang boses niya na para bang galing sa hukay.

Dahil kaharap ko si Mila ay nakita ko ang pagkurba ng isang ngisi sa labi niyang pumutok dahil sa pag-sapak ko kanina.

Napatiim ako ng bagang bago unti-unting tumayo at binitawan si Mila. Lumingon ako at nakita ang isang mukha ng may edad na lalaki. Hindi pamilyar ang kanyang mukha ngunit pamilyar ang kanyang tindig.

Bigla niyang hinampas ang baril sa ulo ko. I fell on the ground and hissed. Ramdam ko ang mainit na likodong malapot na bahagyang bumababa mula sa sentido ko. Kahit nahihilo ay napangisi ako at napa-angat ng tingin.

Pamilyar din ang pag-hampas niya sa ulo ko. Ngunit hindi tulad ng una niyang beses na ginawa iyon sa bahay ko, hindi na ako nawalan ng malay ngayon.

"Nice to finally meet the man who failed to kill me on his first attempt, oh and second too." Mapang-asar kong wika. 

Hindi siya sumagot at inangat lamang ang baril at tinapat iyon sa akin. Kakalabitin niya na sana ang gatilyo nang may humawak sa kanyang kamay. Napatigil siya at napatingin kay Mila. 

"Let me," sabi ni Mila bago inagaw ang baril mula kay Gerald Santos. Biglang sumilay ang isang mala-demonyong ngiti sa labi ni Mila. Tinapat niya saakin ang baril. "He might have failed to kill you, but I'll make sure that I won't do the same mistake as him."

Tuluyan na akong napapikit nang umalingawngaw ang putok ng isang baril sa ere.

Ilang segunda na akong nakapikit ngunit wala akong nararamdamang panibagong sakit sa katawan ko. Unti-unti akong dumilat at nakita si Mila na hawak ang kanyang balikat na dumudugo habang ang baril naman na kanina'y hawak niya ay nasa sahig na. Si Gerald Santos naman ay nakita kong tumatakbo na palayo habang hinahabol ito ng mga pulis.

Where is July? (Wattys2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon