Myrra Raquel ' s
Alas singko ng umaga nagising ako para mag jogging. 7:30am pa naman ang klase ko. Minsan lang din naman ako nag jojogging kapag may free time.
Habang nag jojogging ako nadaanan ko ang isang 7/11 store, pumasok ako doon kahit na amoy pawis ako, bakit eh di naman ako amoy putok ah. Dumaretso ako at kumuha ng Chuckie. Nauhaw lang ako lalo matapos kong inumin yon.
Pagkatapos non dumaretso nako sa bahay para mag ayos dahil may klase pa ako.. Pag katapos ko mag aayos mga bandang 6:40am na bumaba na ako, saka dumaretso sa upuan ko na andon na si Mama.
"Ma, bukas may bayaran po kami ha" paalala ko sakanya tumango lang si Mama.
"Nag aaral ka ba ng mabuti? " sabi ni Mama,
"Ako pa ba ma? Magiging doctor pa ko eh" sagot ko ng nakangiti. Pangarap kong maging doctor bata palang ako..
"Mabuti yan, eh kamusta na mga kaibigan mo?" tanong ulit ni mama.
"Hmm, okay naman sila ma, si Lee ganon pa din buhay tamad, si Yohan busy sa basketball, si Sol busy sa sideline sa modeling at badminton practice din tapos syempre si Gin ayon ganon pa din walang bago" sagot ko
"Mabuti naman kung ganon. Nako si gin talaga" asik ni nama. Tumango tango lang ako.
Hinatid ako ni Mama sa school, hindi naman kami mayaman katulad sa iba. May sariling bahay at isang kotse lang kami at isang engineer si Mama katulad ng Mommy ni Lee, Papa ni Yohan at Papa ni Gianna kaya siguro kami mabilis na nagkasundo dahil din sa magulang namin.
"Oy pare kamusta yong weekend mo? " bungad sakin ni Yohan, naka basketball shirt nanaman siya dahil ata sa training niya. Pero alam ko pahinga nila ngayon. Adib adib talaga to.
"Okay naman ikaw, kayo? " sabi ko saka tinignan silang lahat. Naka upo lang sila dito sa may upuan malapit sa gym.
"Okay lang din" sagot ni Sol.
"Same" sabi ni Lee.
"Wag mo na itanong kay Gin, lagi naman yan hindi okay" reklamo ni Yohan.
"Ano yan gin? " tanong ko may hawak kase siyang tumbler.
"Ano pa nga ba? " sagot ni Lee sakin.
"Pano nakalusot? " sabi ko.
"Gianna Cuevas yan teh." sabi ni Sol sakin
"Alam niyo guys, pangarap ko maging reporter eh, pero ayaw ata nong mundo" sabi nito. Panong ayaw? Eh mukang siya yong may ayaw.
"Pinagsasabi mo? Tara na nga, ano ba yan baka mahuli ka pa nong teacher natin" reklamo ko.
Naglakad lang kami papuntang classroom namin.. Wala pang prof. Mabuti naman.
Magkatabi si Sol saka Yohan sila mag jowa eh si Gin naman nandito sa may bintana at katabi si Lee at ako sa aisle.
Makalipas ang 15 minutes dumating na din ang prof namin. Unang subject ngayong lunes. Math agad. Pogi naman nito ni Sir pero kase medyo strict siya.
"Ano class, nagawa niyo ba ang assignment na pinagawa ko? " tanong niya. Ha? Meron pala? Ay wait meron pala akong gawa.
"Sir diba sabi sa balita bawal assignment," sabi nong isa naming kaklase.
"Oo nga sir" dugtong nong isa. Halatang walang mga gawa ah.
"Saang balita ba yan? Di ko ata napanood" sagot nong prof namin.
"Sa ABS-CBN po sir" kwelang sagot ni Yohan. Adib adib yan??
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...