Gianna's
Ngayon nasa palawan na ako, dalawang araw na akong andito, andito ako sa bahay nila Mama kasama ko ang lola ko, nagluluto siya ng pananghalian namin.
"Lola" sabi ko dito.
"Bakit apo? " sagot niya "Kamusta nga pala ang pinsan mo doon na si Lee? " tanong nito.
"Ha? Okay naman po siya Lola, isasama ko sana siya kaso nitong mga nakaraang araw masyado siyang naging mailap sa tropa" sagot ko, sa dalawang araw ko dito di ko pa din nakikita ang nanay ko "Onga po pala lola, asan si mama?" tanong ko sakanya
"Bakit saakin mo tinatanong eh diba nasa inyo siya? Ilang buwan na siyang di pumupunta dito" sabi ni lola na ikinagulat ko naman.
"Ha? Eh wala ho siya doon, halos isang linggo na sa bahay kami lang ng papa ang nasa bahay nandito daw siya sa palawan eh" reklamo ko naman.
"Nako ang nanay mo talaga kahit kelan" sabi ni Lola, "Eh baka nasa bahay ng mga katropa niya dito sa palawan, hindi naman ako lumalabas ng bahay at alam mo naman ang tita Alejandra mo sobrang istrikto, nakuha pa ng yaya para saakin" sabi niya. Nasa labas yong yaya naglalaba kaya si lola ang nag luluto.
"Gusto mo bang gumala mamaya? " tanong niya.
"Oo lola, kaya nga po ako pumunta dito eh" sagot ko
"Alam ko pumupunta ka dito kapag may problema ka," sabi niya saka umupo sa tabi ko "Anong nangyare sainyo? Ano nanaman ang ginawa ng tatay mo sayo? " tanong niya
"Si Papa?" tanong ko, "Wala naman actually siya gumastos para makapunta ako dito, tapos binigyan niya pa ako ng allowance" sagot ko. Minsan okay naman si papa, madalas hindi. Okay siya lagi kapag hindi hectic sched niya or di kaya mataas ang mga grades ko at umuuwi ako sa saktong oras
"Yang tatay mo talaga hindi ko alam anong pumapasok sa isip niya lagi" sabi ni lola. "Kain ka muna bago ka umalis" sabi nito at nilapag ang plato
"Eh ikaw po? " sabi ko
"Mamaya na ako at may gagawin pa ako sa taas" sagot naman niya kaya tumango nalang ako.
Matapos kong kumain eh, nagligo na ako at nagayos aalis ako, gagala ako.
"Lola, alis na ako" paalam ko.
"Aalis kana? " tanong niya ulit, lah? Ulit ulit? Boomerang ka girl?
"Opo" sagot ko saka kumuha ng chuckie sa ref.
"May money ka pa ba dyan? " tanong niya ngumiti ako hehe money daw "Ngiting mukang pera" reklamo ni Lola saka kinuha ang wallet niya at inabot saaking ang cash
Napangiti naman ako ng nakita kong 3k ito.
"Laki naman" sabi ko.
"Ayokong may tumawag nanaman saakin dito at sabihing di ka nanaman nag bayad sa pupuntahan mo. " sabi ni Lola, masyadong kilala ang lola dito saamin pati kami kaya lagi nila tinatawagan si Lola.
"o.a. amp, pero sige alis na ako. Hehe" sabi ko saka tumalikod na "Binigyan ako ni Papa remember!" natatawa kong sabi si Lola naman sumigaw pa pero natawa nalang ako.
Naglakad lakad ako may iilang nakakakilala saakin meron ding wala.
Bago ako makakita ng sasakyan ko dumaan muna ako sa mcdo at bumili ng iced coffee.
"Hoy" sigaw nong babae sa likod ko. Hindi ko siya kilala pero grabe ngiti niya saakin "Hindi mo ba ako naaalala? " tanong niya, tingin ba nito naaalala ko siya sa daming tao dito sa pinas?
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...