Chapter 4

86 6 5
                                    

Myrrh Raquel's

Panibagaong araw Day 2 na ng intramurals namin at ngayon din ang after party, laro na ni Solana ngayon.  At sabay sabay kami pupunta nag antayan kami dito sa may kanto ng school, gusto daw kasi ni yohan na pag pumunta kami don makikita kaming sabay sabay.

"Ang tagal naman nong Yohan na yon?!" reklamo ni Gin,  simula sapot na pag dating niya reklamo na niya yan samantalang si Lee na nauna dito samin parang chill lang.

"Dumaan nga daw kasi ng 7/11, para bumili ng chocolate saka Gatorade" sabi ni Lee napapakamot nalang sa ng ulo.

"Wow, alam ko may paganyan school natin eh,  kung wala aba kurakot naman. Ano yon tamang ice tubig na tubig ulan lang? " sabi nito,  natawa ako gago talaga.  Pag angat ko ng tingin andito na si Yohan.

"Oy pre sorry late kase traffic, tara" bungad niya.

"Wow traffic? San ka ba galing?  Edsa?" asar ko.  Habang naglalakad kami.

Nong nakapasok kami ng gate eh madami ulit tao, pinag titinginan kami. Kasama ba naman namin ang Captain ng Basketball na si Yohan Danton eh. Naka Polo sala slacks lang siya naka tuck in ito. Si Yohan yong typical na poging basketball player,  hinahangaan ng marami dahil sa galing at itsura. Makisig ang katawan, may abs din saka may muscle batak kasi sa training eh, mga nasa 6'0 ang height niya, hindi din kaputian moreno kung tawagin ng karamihan,bilugan ang boses, matalino si Yohan nasa top 10 ng klase namin may ipagmamalaki as acads, mabait siya at sobrang hyper at syempre di mapagkakaila na pogi siya,

Si Gianna Cuevas naman eh,  typical Lasinggera, joke. Maganda siya actually mas angat lang ako ng konti mga tatlong ligo ganon. Ano ba masasabi ko kay gin? Hmm,  meron siyang sexy na katawan nasa 25 lang ata waist line niya, wala siyang abs saka muscle  kakainom. Nasa 5'3 lang ang height niya, ang liit pero taena apaka daldal ampota, morena din siya. Matinis ang boses lalo na pag nasigaw, matalino din to top 4 namin sa batch namin, mabait din naman siya.. Saamin. Mabilis siya maka amoy ng masamang tao, may sa aso kase siya..

Si Brandon Lee Guevarra naman eh,  pogi, as in pogi lang talaga, yan lang masasabi ko pogi siya. Muka siyang taga ibang bansa,  makisig ang katawan, medyo mapuli kesa kay Yohan, nasa 5'9 ang tangkad. Sabay silang nag gigym ni Yohan kaya kasing katawan sila. Matalino din to,  sobra lalo na sa Math pinaglihi ata sa librong math ni tita, sa algebra  ganon sa sides sides tanginang sides yan.

Naagaw ng atensyon ko nong nag uumpisa na pala,  naka 7 points na si Sol,  at 9 points ang kalaban. Nasa single siya. Wala si Yohan dito sa tabi ni Gin.

"Diba sa doubles si Solana? " tanong ko.

"Yan tulala pa more" sabi ni gin

"Nagtatanong eh untog kita dyan" reklamo ko

"Nabalian daw kahapon ang partner niya kaya napilitan si Coach na ibalik siya sa single, hindi niya na gamay ang galawan ng single" sagot ni Lee saakin. Napansin ko nga iyon,  tatlo na agad ang lamang. Nandon si Yohan sa tabi ni Coach Red, ang coach ng Badminton team namin.

"Kinakabahan ako, kanina kasi nong di pa nag start nakita ko si Solana. Mukang wala sa wisyo" sabi ni Lee.

"Kaya niya yan! " sabi ko. Hindi masyadong maingay na lumabas na ata ang iba o konti lang talaga nanonood sa Badminton.

"GO BABE!! " pangingibabaw na sigaw ni Yohan sa baba, tinignan naman siya ni Sola saka nginitian.

Nakabawi naman siya,  isa nalang lamang na call ng time out ang kabila. Si gin na walang hiya di nagpatalo kaka sigaw.

"SOLANA MENDEZ GALINGAN MO!!!! CRUSH KITA" ito nanaman po siya...

"PAG DI NADAAN SA KALMADO BATUHIN MO NG RAKETA"  sobrang nakakahiya sabay kaming napatakip ng muka ni Lee,  nakatayo pa tahimik ang paligid walang nag iingay sa kabila nga kaschool mates namin tahimik at tawa ng tawa.

Dream Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon