Lee's
It's been a months, hindi na kami ganoon kadalas magkita ng barkada, busy kami pare-pareho sa kanya kanya naming buhay.
Tapos na din ang graduation namin, at nag uumpisa na kami sa college, iba iba din ang school namin, lalo na ako dahil nga sa course ko..
"Christy, ayos ka lang ba? " tanong ko, kumakain siya ngayon at ka buwanan na din niya.
"Masakit lang tiyan ko, " sagot niya.
"Ano? Masakit? Wait wait! " natataranta kung sabi, "Manong pahanda ng kotse kuya ----" di ko na natapos dahil sumigaw na siya.
"Aaaaah!! Lee!! Manganganak na ata ako! " sigaw niya mas lalo akong nataranta, bumaba na din si mama at papa.
"Jusko. Manganganak na iyang asawa mo anak! Pumutok na ang panubigan! " sigaw ni mama na natataranta din, kaya agad agad kung binuhan si Christy at tinakbo papunta sa kotse.
"Jusko po, lalabas na ata! " sigaw ni christy
"Wait lang ma'am," sabi ni kuya, mas binilisan pa ang pagmamaneho.
"Inhale,exhale lang chrity! " pagpapakalma ko dito pero sigaw pa din siya ng sigaw, kaya agad na huminto si kuya sa harap ng hospital kaya sumigaw ako ng manganganak na asawa ko kaya dali dali silang lumapit saakin at hiniga na si christy.
Makalipas ang ilang oras ng pag lalabor niya eh lumabas na ang doctor kasama ko sina Mama at Papa.
"Ikaw po ba ang asawa? " tanong niya, tumango naman ako.
"Stable na po sila ng baby, sakto lang po ang dating ninyo, nasa incubator po ang bata, pag gising po ni Misis eh pwede niyo na makita ang bata. Nasa vip room po siya gaya ng sabi ng Mama mo " sabi nito, tumango tango lang ako.
"Jusko lord, thankyou! " sigaw ko, niyakap ako ni papa na parang sobrang proud siya saakin.
"Masaya ako para sayo anak! " sabi nito. Kaya naiyak ako, ganto na ako! Tatay na talaga ako, ang saya pala.
Makalipas ang ilang oras at andito na din ang pamilya ni Christy, nag uusap sila nila mama at papa ako nagbabantay kay christy, ng bigla siyang nagising kaya nag tawag ako ng nurse.
"Maayos na po siya Mister, stable na siya. Pagbalik ko po dala ko na po ang anak ninyo" sabi nito saka ngumiti.
"Maayos kana ba? May masakit ba sayo? " tanong ko, nag aalala ako ng sobra sakanya.
"Ayos lang ako Lee, kamusta ang anak natin? Malusog ba siya? " tanong niya, tumango ako at hinalikan ang noo niya.
Makalipas ang ilang minuto at andito na ang anak namin, hawak ito ngayon ng mama niya.
"Ano ang ipapangalan niyo dito sa napakapogi niyong anak? " tanong ni Mama, mama na din ang tawag ko sa Parent niya gaya ng sabi.
"Hindi ko po alam kay Lee, sabi ko siya ang mag isip at sasang ayon lang ako" sagot ni Christy ng nakangiti..
"Liro Yolan Guevarra" sabi ko, ngumiti si christy. Kaya ganyan ang second niya at dahil nilapit ko ito sa pangalan ng bestfriend ko na si Yohan.
*END OF FLASHBACK*
Days, Weeks, Months, Years have passed, hindi na kami ganoon nag uusap dahil ng busy na, si Gianna dahil sa busy sa trabaho at nag papakitang gilas, nagkikita nalang kami kapag family gatherings kasama niya si Kyle. Si Solana naman busy iyon sa sunod sunod na Fashion Show na dinadaluhan at minsan kapag hindi busy ang sched eh nag wowork bilang flight attendant sobrang kilala niya na to the point na parang kapag nasa airport siya eh dudumugin siya ng tao kaya minsan lang siya mag work bilang flight attendant. Si Kyle di ko alam sa gago na yon basta alam ko engage na sila ni Gin at malapit na sila ikasal. Si Miracle? Hmm alam ko tunay na doctor na siya, yun ang huli kong balita sakanya eh mag iisang taon na daw siya sa isang sikat na ospital doon sa new york at nakapag opera na daw siya sa isang sikat na artista doon na nagkasakit, binalita iyon eh. 10 years na siyang hindi umuuwi dito sa pilipinas at 9 years old na din ang anak ko at piloto na ako at nakapagpakasal na kami ni Christy gaya ng bilin niya noon.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...