Myrrh Raquel's
Days have passed, and almost same lang nangyayare araw araw, may mga super weird stuff ang ginagawa ng isa't isa samin, i can't really differentiate it, pero weird talaga, for me. Pero minsan okay lang din.
Today is Saturday, may usapan kami ni Lee na magkikita kami. We don't really go out that much na dalawa lang kami, that's why maraming may walang alam na m.u kami, and that's okay pabor naman saamin yon, we keep our relationship lowkey and classy.
I'm just wearing a Black thin strap dress and nude color sandals. I don't know why I'm so pabebe right now. But Lee likes my pabebe side sometimes.
Narinig ko na ang pag busina ni Lee sa baba. Andyan na siya.
"Ma, I'm going na" paalam ko.
"Okay, may pera ka pa ba dyan? " tanong ni Mama
"Yap," sagot ko, bigla si Mama na out of balance "Okay ka lang po ba?" tanong ko at inalalayan siya paupo.
"Yah, yah, nahilo lang ako mainit kasi,"
"We can resched our date mama if need mo kasama" ani ko.
"No, wag na. I'm visiting my doctor today. You don't have to worry anak" sabi ni Mama. "Sige na alis na kayo para makauwi ka agad anak"
"Sure po ba kayo ma?" tanong ko at tumango siya "Bye po" sabi ko. At lumabas na.
Pag pasok ko ng kotse ni Lee amoy na amoy ko ang pabango niya. Naka white polo shirt and black slacks lang siya na naka tuck in. Simple but classy.
"You looked very beautiful today, Love" sabi nito saka nag drive na
"Lah, today lang? " sabi ko
"No, everyday pala, mas extra lang ngayon" sagot niya.
"Awit naman, so san tayo? " tanong ko.
"Sana tayo,, " dugtong niya
"Lee, ----"
"Oo alam ko, I'll wait for you naman eh. I promise " sabi nito saka hinalikan ang kamay ko.
Nag drive lang siya ng nag drive, hindi ko alam san kami pupunta. Hinayaan ko lang siya mag drive.
Makalipas ang ilang minuto alam ko na kung san kami pupunta, papunta kami ngayon sa lugar na lagi namin pinagkakainan, may masarap na pagkain at may nagandang view. Hindi na ako mag dodrop name nitong resto.
Nagpark na siya ng kotse niya at bumaba na kami pareho.
"After you, " ani niya ng paunahin akong papasukin sa loob.
"Good morning " bati ng mga crew.
Hinawakan niya ang kamay ko at umakyat na kami sa taas.
Ito talaga lagi ang lugar namin, kapag andito kami lalo na at minsan lang naman kami lumabas na dalawa lang kami kaya gumagastos talaga si Lee.
Umupk na kami pareho at andon na ang order namin, steak lang ito medium rare, ayoko kasi ng well done.
"Love? " sabi ni Lee.
"Why? " sagot ko habang kumakain
"something's weird kay Gianna this past few days" panimula nito.
"She's always weird love" sagot ko.
"No, i mean she's getting more weirder. " sagot niya saakin. Siguro nga, simula nong nag EK kami medyo madalang nalang siya sumama saamin at late na siya lagi umuwi, lagi din siya naka titig sa phone niya kahit di naman dapat.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...