Chapter 18

31 0 0
                                    

Myrrh Raquel's

Unang araw ngayon ni mama dito sa bahay,  hindi pa din ako makapaniwala na wala na siya. Parang nung nakaraan lang pinapagalitan niya pa ako dahil hindi ko napatay ang tv.

Flashback

Umagang umaga palang paglabas ko ng kwarto b9ses agad ni mama ang bumungad saakin akala ko about lang ito sa trabaho pero hindi.

"Mabuti at gising kana" sabi ni Mama

"Bakit po ang aga aga eh gagalit ka agad? " tanong ko.

"Aba sinong hindi magagalit eh nagising ako ng alas dos ng madaling araw para uminom ng tubig eh bukas pa ang tv dito sa sala! " reklamo niya, lah gagi di ko na patay.   "Mabuti at hindi sumabog, Ikaw talaga na bata ka kailangan ka ba matututo?  Pano pag wala na ako? Hay nako,  bilisan mo na dyan at malalate ka nanaman!" utos niya.

"Mama di ka naman po mawawala eh, " sabi ko tamang pa cute pa ako."  sagot ko "Wala ka bang work ma?  Di ba kayo mag gagala ni tita tess? " tanong ko.

"Aba meron syempre pero kailangan pa kita asikasuhin at baka makalimutan mo nanaman itong bahay" sabi niya kaya natawa ako.

End of Flashback

Naalala ko kung gano siya ka stress pag sa umaga pag may nakakalimutan akong bukas na ilaw, bukas na tv,bukas na ref at minsan pintuan.

Madaming bumisita, mga katrabaho niya,  si tita tess nag aasikaso, tatlong araw lang siya dito dahil ililibing din agad siya.

Nahimasmasan ako  ng may umupo sa tabi ko.

Sina Gin, Lee, Sol at Kyle, nakakamiss si Yohan dahil siya lagi ang nag bibigay buhay ng grupo pag nag babangayan sila ni Gianna.

"Miracle" bungad ni Sol,  nakita ko din ang pamilya nila kausap si Tita Tess.

"Hmm" sagot ko,  kahit wala ako sa mood inaalala ko nalang ang bilin ni Mama, Kahit ano daw mangyare matuto daw akong magpatawad sa lahat.

"Pasensya kana ha?  Wala kami sa mga oras na kailangan mo kami" sabi ni Gin

"Lahat tayo may kanya kanyang problema, hindi niyo kailangan humingi ng tawad dahil lang doon. May mga bagay na hindi natin kontrolado" sagot ko ng nakangiti. "Wag na kayo humingi ng tawag, ayos na saakin na nagsabi kayo kesa sa ibang tao ko pa nalaman. Salamat din at andito kayo, naipasok niyo sa schedule  niyo" sabi ko ulit.

"Kahit naman gaano kami kabusy basta pag nag sabi ka,  pupuntahan ka naman namin eh" sabi ni Sol.

"Alam ko naman yon" sagot ko,  kahit may konting sakit pa din.  "Lee?  Kamusta yang pasa mo?  Okay na ba? " tanong ko nalang.

"Ayos na medyo mahapdi pa minsan pero kaya ko naman, ikaw inaalala namin -- "

"Ayos lang ako, Andito naman si Tita Tess para saakin" sabi ko ng nakangiti "Bakit ka nga ba nagpasa?" tanong ko, kaya umalis silang tatlo at lumipat si Lee sa tabi ko.

"Nabigla ang daddy, na mag kakaapo na siya at mas laling nabigla siya ng nalaman niyang kay Christy akala niya sayo" sabi nito, "Ayaw ni daddy sakanya dahil ng medyo pokpok siya, kaya nasuntok ako" sabi nito ng natawa.

"Alam kong matatanggap niya din yan kalaunan hayaan mo nalang muna si Tito, intindihin niyo nalang" sabi ko saka ngumiti,  ganito pala pag nag advice ka sa mahal mo na magkakapamilya na at wala kang magagawa kundi intindihin nalang.  "Asan na si Christy?  Bakit hindi niyo siya kasama? " tanong ko, 

"Wala siya, nasa kanila siya hindi din siya sa bahay nag stay dahil sa hiya sa nangyari, at mas nahihiya siya sayo magpakita --- "

"Pakisabi  sakanya ayos lang saakin,  alagaan niya ang sarili niya at ang baby niyo mas mahalaga iyon" sabi ko.

Dream Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon