Myrrh Raquel' s
Ang aga aga ko pumasok, dahil ang aga ko din nagising. Nadatnan ko na andon si Yohan at Gin na nasa room pag dating ko si Gin na nakatunganga sa may bintana si Yohan naman nakikipag chikahan sa mga lalaki naka basketball jersey nanaman may practice ata.
Naupo na ako at biglang dumating ang grupo ng mandadarap mula dito sa school namin, akala mo naman ang popogi dugyutin naman. Apat sila. Si Jackson, Melvin, Echan, Jerome, mga feeling pogi na mukang tae i mean tao. Lalo na yong Melvin na pangalan ang bantot sa totoo lang. :)) hehehe
Pagpasok na pagpasok nila biglang bumuga tong si Jackson, aba nag vape pa nga. Mahuli sana kayo.
"Hoy tigil niyo yan, baka mahuli kayo ng prof natin" saway nong sipsip naming kaklase.
"Share mo lang? " sagot nilang apat
Wala eh, ayaw nila makinig kaya hinayaan na nila para kaming nasa concern nitong usok sa room, papatayin ata kami nitong nga to.
Dumating na din si Sol, at huli si Lee. Akala namin kaklase lang namin ang susunod na darating, ngumit nag kamali kami. Yong teacher namin. Patay na, may usok usok pa sa loob.
"Anong amoy to?! " bungad niya, ayan na nga goodluck.
"ah para po sa project namin yan ma'am ---- " sagot ni Jerome
"Anong project?! Bakit amoy yakult?! Jusko naman, stem pa naman kayo?!" sigaw niya. Stem na laging kompulan ng away sa loob at labas ng school. "Kayo nanaman Jackson? Echan? Melvin? Jerome?! Kelan ba kayo mag tatanda?! Suking suki na kayo ng guidance?!" reklamo ni Ms. Fate.
"Ma'am naman" sabi ni Echan.
"Na iistress ako sainyo STEM, isa pa kayo sa magagaling at talented na strand tapos ang hina niyo sa instructions?! " sabi ulit niya. Lahat kami natahimik, silang apat nasa harap ni Ms. Fate. "Kayong apat, diba sabi sainyo ng guidance councillor na huling guidance niyo na dapat yong last week?! Ano nanaman to?! " reklamo niya ulit. Ayan ayaw kase makinig. .
"Ma'am wag mo naman kami iguidanca ma'am oh" reklamo ni Melvin. Oh san tapang niyo.
"No, kailangan niyo na ng disciplinary action!" sabi ni Ms. Fate at tumayo. "See you on guidance office. Now!" sabi nito saka umalis na sila. Lahat kami tameme lang. Walang masabi.
Biglan akong siniko ni Lee kaya tinignan ko siya.
"What? " sabi ko.
"Good morning boss" bati niya.
"Morning " sabi ko wala na ako sa mood, ikaw ba naman first subject papagalitan agad kayo. Awit diba?
Natapos lang ang klase namin nong araw na yon, di bumalik yong apat mukang binigyan nga ng disciplinary action. Ako naman ngayon nakahiga na sa kama ko, wala kaming ganap may practice ang dalawa kaya daretso uwi na..
Kinaumagahan, wala kaming klase sa umaga, si Coach Dex kase ang prof namin eh busy siya sa training ng Basketball team kaya di na siya nag turo. Bukas na pala ang game? Kaya kaya nila? Lalo na ngayon ni Yohan mukang lakas tama ngayon sa muka e
"Hoy Miracle, nandito ka pa ba? Yohooooo? " sabi ni gin.
"Ano ba?! " naiirita kong sagot.
"Sorry ha?" sarkastiko niyang sabi "Ano kase order mo takte naman to kanina pa tinatanong naka tulala mukang mamamasa na yong siko mo dyan kakasiko din nitong si Lee eh" sabi niya.
"Iced coffee saka chicken sandwich nga kase! Parang di tropa ah" reklamo ko. Pagsagot ko umalis na siya sa harap ko, nasa mcdo kami nag lulunch, gusto nila eh.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...