Chapter 24

37 0 0
                                    

Gianna's

After 5 years na umalis si Miracle, hindi na din ganon ka dalas ang pag kikita namin lahat. Maliban kay Kyle na nanliligaw sakin, hindi ko alam ano nakain nito ba't to nanliligaw saakin. Parang tanga nga eh. Halos 2years palang siya nanliligaw,  ang tatag niya sa totoo lang.

"Ano ba L! " reklamo ko kiniliti nanaman kasi ako.

"arte sis" sabi niya saka nilapag ang dala niyang sb. "Ito boss, pampakalma" sabi niya.

"Lah, salamat" pacute kung sabi.

"Wag ka nga mag pacute, baka di na kita pakawalan niyan. " reklamo niya, oh diba ang corny.

"Saksakin kita eh! " reklamo ko. "Oh kamusta ka naman sa course mo? " tanong ko, habang ginagawa ang isa sa report ko

"Ayos naman, kasama na kita eh" sabi nito, "Ikaw kamusta report mo dyan? " tanong niya saka pinakita ko sakanya ang gawa ko.

"Wow, nag iimprove na ang mga headlines na ginagawa mo ah, sana all" sabi nito

"Ako lang to ky" sabi ko, saka pinatikim sakanya ang sb ko, di naman umangal mukang nagustuhan.

"Sabi ni mommy, punta ka daw sa house kapag free ka" sabi niya, napatingin ako sakanya "Ay, oo nga pala usapan natin pupunta kalang sa bahay kapag sinagot mo na ako" sabi nito saka ngumiti, halos isang taon na din siyang nanliligaw.

"Hmm, gawin mo nalang muna yang case digest mo" sabi ko, saka ginulo ang buhok niya, nag gawa nalang din siya ng assignment niya, hanggang sa mag aalis onse na eh bigla akong humikab.

"Inaantok kana ba? " tanong niya "Ihahatid na kita, bukas mo nalang tapusin yan o pwede naman ako nalang tumapos" sabi niya.

"Wag na, bukas ko nalang tapusin saka busy ka din kailangan mo din mag pahinga." sabi ko saka nilagay sa bag ko ang mga gamit ko.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa bahay

"Gusto mo ba pumasok? " tanong ko.

"Wag na, pahinga kana C, kita tayo bukas ha? " sabi nito saka ngumiti "Goodnight, mahal kita" sabi nito saka hinalikan ang noo ko.

"Good night, L" sabi ko saka pumasok na siya sa kotse niya at ako sa bahay.

Bumungad saakin si Papa na naka damit pambahay na at nanonood ng tv.

"Kamusta naman ang baby ko? " tanong niya nung naka pasok na ako. "Si Kyle ba iyong naghatid sa anak ko?" dugtong niya

"Grabe Papa pagod na pagod ako ang hirap nung headline na pinapagawa saamin" reklamo ko "Grabe parang wala ng bukas" biro ko saka tumabi sakanya.

"Wala naman talagang madami Gin, lahat kailangan paghirapan kung gusto mo talaga " sabi ni papa tumango tango naman ako.

"Kaya saludo ako doon kay Kyle, talagang Law school pa" sabi ko ng nakangiti. "Eh napaka tamad mag aral nong isang iyon" kung may pinakatamad samin lahat siya na yon dati.

"Aba, dapat lang na maging proud ka at boyfriend mo yon" sabi ni papa

"Papa,  hindi ko pa po siya boyfriend" reklamo ko.

"Hindi pa?  Halos buong buhay niyo na kilala ang isa't isa gin, dapat pa bang getting to know each other? " sabi ni papa "Ang tatag na lalaki nitong si Kyle, parang simula nung nagkakilala kayo nag tiis na siya sa ugali mo" dugtong pa ni papa

"O.A ka papa,  parang sinabi mong nakakasulasuk ugali ko" reklamo ko.

"Hindi naman pero ang akin lang dapat pahalagahan mo na siya habang di pa siya sumusuko sayo anak" sabi ni papa.

Dream Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon