Chapter 15

31 2 0
                                    

Yohan's

"Napagisipan mo na ba ang pinapaayos ko sayo? " tanong ni Daddy "Ang sabi ko sayo hanggang ngayong araw nalang yon," dugtong niya ulit

"Dad ----"

"Ayaw mo? " tanong niga ulit, hindi alam kong kaya ko

"Ang hirap hirap naman kase Dad, siya na nga lang amg natitirang nagmamahal saakin tapos gusto niyo pa na iwanan ko siya" sabi ko, gusto niyang hiwalayan ko si Solana kapalit non ang pagpapatuloy ko sa basketball ko at pagstay ko dito.

"Anong mahirap? Babae lang yan Yohan" sabi ni daddy, no wonder bakit iniwan kami ni Mommy

"Siya lang ang nagparamdam saaking kamahal mahal ako Dad " sabi ko

"Broke up with her or else ako mismo ang gagawa na ng paraan para paghiwalayin kayo" sabi nito, napakamot nalang ako ng ulo at kasabay ngpagpatak ng luha ko "Wag mo akong susubukan" sabi ni Daddy saka umalis na sa kwarto ko ako naman naiwang nakatulala. Hindi ko alam gagawin ko, ayokong mawala si Sol, ayoko din mahirapan sila ng pamilya na dahil saken.

Nakipagkita agad ako kay Solana matapos sabibin ni Daddy iyon,  natatakot ako sa pwedeng mangyare sakanila. .

Nakita kong nandon na si sol sa di kalayuan.

"Sol,  let's  break up" nanginginig na sabi ko, pinilit ko ang sarili kong wag maiyak sa harapan niya..

"Prank ba to?  Vlogger kana ba babe?  Kelan pa? " sabi niya saka patuloy ang pag patak ng luha niya saka pinilit niya hanapin kong may camera ba   "Mahal ko asan ang camera?  Ayoko ng ganito" naiiyak niyang sabi pero umiling iling lang ako.

"Mahal.... " sabi niya na parang nag mamakaawa na sana nag jojoke lang ako, sana ganon lang sol.

"Hindi ko na kaya.... " sabi ko,  mas lalong tumulo ang luha niya, "Ayoko na mahirapan ka Sol, kaya simula ngayon malaya kana, malaya kana sakin Mahal ko" sabi ko sakanya.

Hindi ko kayang makitang umiiyak siya. Hindi ko kakayanin.

"Hiling ko lang na sana maging masaya ka sa buhay mo Sol,  sorry hindi na kita masasamahan pa sa mga Raket at Fashion show na pangarap mo ha? Para naman to sayo eh "  mas lalong naiyak siya at ganon din ako doon ko na di napigilan ang sarili ko.

"Sana mahanap mo ang taong kaya kang ipaglaban sa lahat ng problema na darating Sol,  sorry kong hindi na ako ang lalaking yon Sol. Patawarin mo sana ako." sabi ko ulit na hindi tumitingin sakanya

"Hindi ko alam kong pano kita papatawarin Yohan" walang takot na sabi niya

"Alam ko, pero tatanggapin ko iyon. Sumbatan mo ako,  saktan,  murahin kung ano pang gusto mo gawin mo.  Basta maging masaya ka lang matapos to." sabi ko, basag na basag na ang boses ko pero pinipilit ko pa din sabihin kahit sobrang labag sa loob ko.

Huling titig ko na pala to sakanya. Huling titig ko na sa mahal ko.

"Tatlong taon Yohan,  tatlong taon" natatawa niyang sabi at saka sinampal niya ako,  "Gusto kitang saktan alam mo yon?  Pero di ko magawa kase mahal kita. Mahal na mahal" sabi niya saka pinunasan ang sariling luha.

"Hindi na kita pipiliting mag stay pa saakin,  nakapag desisyon kana eh"

"Mahal na Mahal kita babe. Hindi lang siguro ito abg tamang panahon para saatin" sabi niya at saka ko siya nginitian at hinalikan sa lips ng smack lang at saka tumalikod na..

"Paalam mahal ko " bulong ko sa hangin habang papalayo sakanya...

Nakauwi ako sabahay saka dumeritso sa kwarto ko..

Dream Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon