Myrrh Raquel's
Balita ko muntik na daw hindi makapag laro si Solana at Yohan. Napaaway daw siya kahapon dahil na bastos si Sol ng mga college sa may gate. Ang malas naman ng mga yon napag practisan gibain ni Yohan ang muka nila. Medyo matagal tagal na din di napapaaway ang ugok na yon eh. Buti naman daw napakiusapan nila Yohan si Ms. Belle na maglalaro sila. Buti naawa.
Ngayon nasa school gym na kami, nakatayo kami dito sa harap namin si Sol saka Yohan sila ang muse at escort ng STEM.
"Bro kamusta pala yong away kahapon?" bungad ni gin wala talaga tong kwenta.
"Shut up gin di ka nakakatulong" asik ni Lee, baka kase mabadtrip si Yohan di makapag focus sa laro..
Pagtapos non di na sila nagsalita pareho, nakinig na kami dahil nag speech ang head admin namin.. Nakikinig naman kami, medyo lang. Napatingin ako sa kabilang side. Andon ang kalaban naming school, ang Luzon University, isa sa matinik na kalaban ng School of Visionary, school namin. Tinignan ko ang muse at escort nila. Maganda at pogi pareho, mukang siya ang captain ball ng basketball sa kanila.
Alam kong makakaya ni Yohan yan, pero last year natalo kami, nawala sa isip ni yohan noon na manalo dahil may nangyare kay gin. Si Sol naman lagi naman siya panalo, walang gustong di nakukuha ang isang Solana Mendez..
"You okay? Tulala ka nanaman, Love" sabi ni Lee na nag aalalang tono.
"I'm fine, nagutom lang di nakapagluto si mama kanina nalate din ng gising ---"
"Gusto mo pa deliver tayo? " tanong niya ngumiti lang ako
"Uy ako din, bigay ko pera pag andyan na" sabi ni Gin. Ang bilis ng pandinig pag pagkain talaga.
"What do you like ba?" conyong tanong niya.
"I like you po ahe" sagot ko kaya natawa kami pareho si Gin naman na nakatingin samin nag make face. Hindi naman kami mag jowa pero pareho kaming committed sa isa't isa.
"Mga depota" asik ni gin, gagi muntik na yon buti walang teacher sa harap namin.
Nilabas ni Lee ang phone niya at nag order na ng mcdo. Libre niya daw.
"TO ALL PLAYERS PLEASE PROCEED TO YOUR RESPECTIVE COURTS NOW, WE WILL START IN A FEW MINUTES" huling sabi ng emcee
"Goodluck" sabi ko sakanila saka inakap sila.
"Manonood ako game ni Yohan, iba ang time namin pareho eh, punta lang ako sa court namin papaalam kay coach" sabi ni Sol, tumango lang kami "Goodluck babe" sabi ni Solana, saka hinalikan niya ito sa labi. Tangina.
"Excuse me lang ha? Konting respeto naman dito banda sa side ko" reklamo ni Gin kaya natawa kaming apat.
"Pagging Mr. Brandon Lee Guevarra, please proceed to gate 1, your delivery has been arrived. Thank you" tangina nakakahiya boi HAHAHAHAHAHA napamamot nalang ng ulo si Lee saka umalis na.
"Court ng basketball kami" sigaw ko sakanya. Rinig niya naman siguro kasi tumingin pa siya dito.
"Alis nako baka ma pagging pa ko di ---" di na natapos ni sol ng biglang may nag salita
"In just a few more minutes the basketball game will start. Thank you" sabi nito.
Umalis na si Sol, kami naman sumama kay Yohan papuntang court.
Nang makarating kami ang ingay.
"Hoooooo goo Visionary!!!!!!" may pa balloons pa saka banner.
"Boy goodluck, bring back the bacon" asar ni Gianna.
"Salamat, medyo kabado mukang mga batak ang sa Luzon Univ eh, pero kakayanin" sagot niya.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...