Solana's
It's been almost a month since me and Yohan broke up. I'm fine now, busy sa shoot at sa fashion show. I have no time to open my phone ang meron lang ay kapag tumatawag ako kela mama at kakamustahin ko ang mga kapatid ko.
And now we are heading back home kase tapos na ang fashion show sa New York, almost 4days din kami doon kasama ko si Kyle at parents niya and syempre yong manager ko at ibang glam team.
Ngayon nasa kotse na kami pauwi, hinatid ako ni Kyle.
"Kamusta na kaya si Gin? " biglang tanong ni Kyle out of nowhere, napangiti naman ako.
"Hindi pa ba nag message? " tanong ko peri umiling siya, hindi din saakin, since nong nakita niya kami sa photoshoot at bigla siyang nawala.
"I tried calling and texting her pero puro lang ring and nakapatay pa ang phone minsan" sagot niya, he look so worried, well sino ba namang hindi?
"Baka busy? Alam mo naman si Gianna " sabi ko, bigla siyang huminto at hudyat itong nasa bahay na kami.
"See you tomorrow " sabi ko bago bumaba "Ingat sa pag drive ha. "
"See you, " sabi lang nito at saka na ako pumasok sa bahay pero patay na ang ilaw lampas alas dose na din kase ng umaga tulog na talaga to sila.
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at nahiga, bukas ko nalang kakaladkarin ang gamit ko.
Tumayo ako para maligo at magskincare, pagkatapos non nahiga na ako.
Binuksan ko ang messenger ko at nagchat sa gc namin, sabi ko 'I'm back, hehe. I'll bring all of your pasalubongs nalang bukas' sabi ko inantay ko ang ilang minuto pero walang may nag seen, siguro tulog na din, kaya nagcharge nalang ako at natulog.
Kinaumagahan, nagising ako ng bandang alas dyes.
Nakita ko ang mga kapatid ko naghahalungkat na sa gamit ko kaya natuwa ako, si mama naman nagaayos ng makakain namin.
"Oh anak hali kana kumain ka muna bago ka pumasok at late kana din naman" sabi ni Mama
"Oh dahan dahan naman Gordon baka masira naman agad yan" sabi ni mama ng nagpipipindot na si gordon at ashley sa sari-sarilu nilang iPad nabinili ko.
"Hayaan mo na mama" sabi ko naman saka uminom ng gatas.
"Nako ate ang ganda naman nito" tuwang tuwa na sabi ni Ashley kaya mas lalo akong natuwa.
"Mama oo nga pala, mamaya after school ko may dadaanan ako ha" paalam ko
"Trabaho nanaman ba iyan anak? Magpahinga ka muna kahit dalawang araw lang" sabi ni Mama
"Hindi ho mama, pero may naka line up na po akong sched. Wag ka mag alala Mama kaya ko naman" sabi ko.
"Oh sige ha, aabutin ka ba ng alas syete? " tanong ni mama
"Hindi ko po alam, wag nalang ho muna kayo pumasok para sure" sabi ko saka tumayo ako, mag aals onse na baka malate nanaman ako.
"Aalis na ako mama" paalam ko saka sinuot ko na ang bag ko at kunuha ang paper bag na dala ko para sa mga pasalubong nila.
Habang naglalakad ako palabas saktong may dumaan na jeep kaya sumakay na ako.
May mga taong nakatingin, siguro nakita na ako sa mga socmed nila or magazine. Nagugulat siguro sila bakit nag jejeep ako..
Oo nga pala mamaya kaya ako malalate ng uwi kasi icecheck ko ang bahay na bibilhin ko para kina mama at kotse na bibilhin ko din mamaya.
Malaki ang binayad saakin kase almost 3weeks kaming busy noon at nag fashion show pa kaya nakaipon, maliban sa bayad saakin ng magulang ni Kyle eh may ibang bayad pa ang pag fashion show namin.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...