Myrrh Raquel's
Ngayon na ililibing si Mama, madaming tao dito mga ibang kamag anak na malayo, katrabaho, kaibigan, at pamilya ng mga kaibigan ko.
"Hija, kung gusto mo saamin ka muna --- " sabi ng isa kung tita.
"Nakapag desisyon na po akong sasama po ako kay Tita Tess sa New York " sagot ko.
Mga mukang pera. Wala nga sila nung burol at nasa ospital si mama eh! Ngayon lang sila nagpakita.
"Hija, wag ka ganyan sa mga tita at pinsan mo alam mong magagalit ang mama mo kapag ganyan ka" reklamo ni Tita.
"Nakakapikon lang po kasi, ngayon lang nagpakita pero ang kakapal pa ng muka" sabi ko ng mahina dahil nag mimisa si father.
"Hayaan mo na" sabi ni tita ng nakangiti.
Lahat kami may hawak na puting rosas.
Pagkatapos mag misa ng pare inabot saakin ni tita ang holy water, pero bago yon nag tapon muna kami ng mga puting bulaklak, lahat ng tao umiiyak lalo na kami ni tita tess.
"Aalagaan namin ang anak mo Mina" sabi ng isa sa tita ko at sabay sabay silang naghulog ng bulaklak.
"Tita, mamimiss ka po namin" sabi ni Sol
"Tita mina, mahal ka namin." sabi ni Lee.
"Fly high tita min. You'll be missed " sabi ni gin saka sabay sabay sila nag hulog ng bulaklak.
"Aalagaan ko si Mira hanggang sa kaya ko Mina, pangako yan" sabi niya at ako naman ang lumapit.
"Ma, sobrang himbing na ng higa mo ah, magiingat po ako lagi mama, mahal na mahal po kita, gabayan mo po kami lagi mama" sai ko lumuluha pa din ako, lumapit saakin ang tita ko. "Fly high mama" sabi ko saka binasbasan na ng holy water..
Unti unti na siya binababa kaya mas umiyak ako yakap yakap ako ni tita tess nakatitig lang ako sa kabaong ni mama na ngayon ay tinatakpan na.
"Guide me from a far ma, I love you so much" bulong ko saka pinilit na ngumiti noong natapos na unti unti ng nawala ang mga tao.
"Mira, pasensya kana ha, kailangan ko kasi pumunta ng school ngayon --- "
"Ayos lang gin, gusto ko din makausap pamilya ni mama" sabi ko sakanilang apat.
"Sure ka ba? Free day ko pa ngayon " sabi ni Solana.
"Ayos lang diba lilipat kayo now? Alalayan mo nalang si tita," sabi ko saka ngumiti "Ikaw Lee, kausapin mo si tito at Christy, ikaw kyle bahala kana sa buhay mo" utos ko, ng natawa doon sa bandang kay Kyle na.
"Bastos ampotek" sabi nito, unti unti silang umalis, naiwan kami ng tita ko sa pamilya ni mama at iilan sa pinsan ko at si Tita tess.
"Ano Myrrh Raquel? Sasama ka ba sa probinsya? " tanong nito, "Wala naman mag aalaga sayo dito aba wag kana maarte" sabi niya.
"Mommy.. " sabi nung pinsan ko na anak niya.
"Aba, mabuti pa nga siya at kukunin natin siya kahit papaano dahil sa --- "
"Di po ba kayo nahihiya tita? Di niyo man lang naisip si mama nasa ospital tapos kayo nag papakasaya pa" mahinahon kung sabi
"Aba naman miracle "
"Kukunin niyo ako dahil may pera na naiwan si mama?" natatawa kong sabi saka tumayo, nakaalalay pa din saakin si Tita.
"Mir.. " sabi ng pinsan kung isa
"Pwes, hindi ako sasama, mas okay pa sumama ako sa di ko kapamilya kesa sainyo" sabi ko, kaya nagulat sila, una at huli ko itong sagot sakanila "Sasama po ako kay Tita Tess sa New York" sabi ko.
"Ano sabi mo? " sabi niya, pati si tita Tess nagulat sa sinabi ko.
"Wag po kayo mag alala, di ko po ipapakuha ang scholarship ng mga pinsan kung pinapaaral ni mama hanggang makatapos sila" sabi ko "Hindi ako katulad niyo" sabi ko ulit.
"Myrrh, mag sorry ka" mahinang sabi ni Tita Tess.
"Tita, tara na po mag aayos pa ako ng gamit ko para sa flight natin" sabi ko ng nakangiti.
"Hoy myrrh! " sigaw ni tita
"Wag kayo mag alala, aalagaan ko ang pamangkin niyo." sabi ni tita ng nakangiti at sabay kaming umalis,nung nakapasok na ako sa kotse at nag maneho si tita.
"Mira, hindi ko gusto iyong inasal mo saiyong tita ha" bungad ni tita.
"Tita, ayoko sakanila" sabi ko.
"Hindi ibig sabihin eh gaganon ka na myrrh! Alam mong hindi din ibig ng mama mo na magkaganyan ka" sabi niya, saka nag park na sa bahay namin.
"Alam ko po, sorry na nga po tita " sabi ko saka nag puppy eyes pa.
"Aba aba Myrrh Raquel tigil tigilan mo nga ako sa ganyan," sabi niya saka sabay kami pumasok sa bahay.
Pag pasok namin sa bahay umupo muna ako sa upuan.
"Mag aayos po ako ng damit ko mamaya tita" sabi ko, ang alam ko eh sa pang apat na araw na iyon kinuha ni tita dahil sabi ko.
"Sigurado ka ba talaga na sasama ka? Pwede naman na dito lang tayo pwede naman icancel yong ticket natin --- "
"Ayos na po doon tita, mas malayo, mas malayo sa sakit sa lahat" sabi ko.
"Sige at sasabihin ko sa care taker doon na ayusin na ang mga kwarto mo" sabi niya, pareho sila ni mama ang may ari non, sa tagal ba naman nilang mag kaibigan eh naisipan na nilang tumira sa iisang bahay at pareho silang walang asawa .
"Sige na tita, aakyat na po ako" sabi ko saka naglakad papunta sa kwarto.
Kinuha ko ang dalawa kong maleta at nilapag sa sahig ang maleta at sinimulan ko na ang iilan sa mga sapatos ko na nasa walk in closet ko.
Nilagay ko na ang lahat ng heels ko at lahat ng rubber shoes ko,at nag iwan ng dalawang white shoes na galing kay mama at kay lee.
"Ang gaganda niyo naman" bulong ko, saka tumayo at pumunta sa damit ko.
After ilang oras ay natapos na din ako, nag iwan ako ng pang ilang araw kong damit na maisusuot at iilang iiwanan ko dito sa bahay.
Alas syete na nong natapos ako, nahiga ako sa kwarto ko at pipikit na sana, naiiyak na ako.
"Wag ka iiyak mira, papagalitan ka ng mama" bulong ko sasarili ko. Saka ngumiti.
"Mama di na ako umiiyak kasi sabi mo ang panget ko umiyak mama" natatawa kong sabi.
Biglang may kumatok sa pinto ko.
Si Gin.
"Oh, akala ko ba nasa school ka? " sabi ko, napatingin siya sa dalawang maleta na naka salansan.
"Aalis ka ba talaga? " tanong niya, kaya napangiti ako.
"Oo, four days from now" sabi ko saka umupo.
"Wag kana kaya umalis? Para sabay sabay tayo dito" sabi ni Gin,
"Gin, hindi pwede may ticket na ako at may iskwehan na din akong papasukan doon Gianna" sabi ko ng nakangiti "Ikaw diba pupunta ka din ng London after this school year? " tanong ko
"Siguro? Nasabi ko na din kay papa, pero may matindi siyang project sa susunod na dalawang buwan eh" sabi nito "Siya ang gagawa ng bagong building ng Pamilyang Lopez, malaki laki ang offer kaya sabi ko tanggapin - -"
"Hmm" sabi ko saka natawa
"Ang issue te ha? " sabi niya.
"Lah? Wala akong sinasabi, bawal ba mabulunan?" sabi ko saka mas tumawa "Pero alam mo bang bagay kayo ni Kyle? " sabi ko kaya binato niya ako ng unan
"Tigil tigilan mo ako" sabi niya.
"Awit, kinikilig. " sabi ko.
Inasar asar ko pa siya hanggang sa inaya na kami kumain ni tita Tess.
----
:>
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...