Chapter 21

29 2 0
                                    

Gianna's

Many days have passed. I lost my mama, Yohay literally say goodbye, and of course tita Mina. All of those day was really hard ang tough, hindi ko alam paano papagaanin ang loob ko dahil sa ginawa ni mama, tapos nawala pa si Yohan nakaisa isang nagbibigay saya saamin, at si tita Mina  na anak na ang turing saakin, at syempre si Lee na magiging daddy na. 

And now,  Mira, my bestfriend is also leaving me  sobrang hirap pero na iintindihan ko siya, pagkawala palang ni tita enough rason iyon para hindi na siya mag stay dito, nadagdagan pa ng nagawa ni Brandon Lee.

"Oy okay ka lang ba? " bulong ni Kyle, siguro dahil tulog pa dito sa Van ang kasama namin "Tulala ka para kang santong kabayo" pagpapatawa niya.

"Ha ha" asar ko "Mamimiss ko lang si Mira" sabi ko,  nakatulog siya sa balikat ko dahil alas dos palang ng madaling araw at alas kwatro ang flight niya.

"Tingin mo ba magiging okay pa ako pag iniwan niya ako?" tanong ko ng mahina lang "Naging sandalan ko siya sa lahat, kahit na sobrang bigat na ng dinadamdam niya sa kaloob looban niya eh nagagawa niya pa din ako alalahanin, tingin mo makakaya ko ba na wala siya ng ilang taon? " tanong ko.

"Gin, hindi lang naman si Myrrh ang meron ka eh,  andito pa kaming tatlo oh, lalo na ako di naman kita iiwan" sabi nito saka ginulo ang buhok ko.

"Hindi kasi ganon yon L, ang akin lang pano pag pare-pareho na kayo nakahanap ng magiging jowa?" tanong ko ng natatawa

"Ewan?  Basta ako di kita iiwan, wag ka mag alala hindi ako mag jojowa hanggang hindi ka pa handa" sabi nito..

Wala namang ganon. Masasaktan lang ako kung sakaling ganon Ky.

Pinagmamasdan ko ngayon si Miracle na mahimbing na natutulog..

Sobrang payapa niya tignan na animo'y walang dinadamdam na sakit..

Si Sol naman ang tinignan ko at mahimbing din itong natutulog. Wala si Lee dahil nga kay Christy ay kailangan niya umuwi, mas okay na din na wala si Lee dito, mas masasaktan lang sila pareho.

Matapos ang ilang oras eh nakarating na kami sa airport.

Nagising na din sila lahat pati si Kyle na nakatulog din sa balikat ko.

Bumaba kami ng kotse doon na nagpaalam. Unti unting nangingilid ang mga luha ko, nakikita ko palang na naglalakad si Myrrh pababa.

"Pasok na ako Mira,  magpaalam ka muna dyan sa mga kaibigan mo" sabi ni tita saka bumeso kami

"Ingat po Tita" sabay sabay na sabi namin.

"Sige po" sabi ni Myrrh, nung nakatalikod na si tita doon ko na siya niyakap.

"Mag iingat ka doon ha? Tangina kung may problema ka tumawag ka agad saakin or saamin kahit anong oras pa yan okay? " sabi ko.

"Alam ko naman yon, pero for the mean time hindi muna ako mag aactive sa social media ha? Magiging busy din mag adjust sa environment at sa school" sabi nito,  tumango lang kami pareho ni Sol

"Bibisita ka dito or kami bibisita sayo don! " singit ni Kyle.

"Sure haha" sagot niya.  "Gusto ko pag balik ko dito eh natupad na natin lahat ang pangarap natin ha? Wala ng maiiwan" sabi nito.

"Oo naman,  pangako natin yan" sabi ni Sol.

"Alagaan niyo ang sarili niyo okay? Kumain sa tamang oras kahit gaano ka busy" sabi niya ulit. "kapag nag dodoubt kana sa self mo always remember na enough lahat ng risk na nagagawa niyo then smile! " sabi nito, kaya niyakap namin siya.  Yakap na sobrang higpit.

Dream Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon