Gianna's
Ilang araw na din ang nakalipas, nabalitaan kong naghiwalay na si Yohan at Solana, hindi na din pumasok ng school si Yohan ng ilang araw na, habang nag eenjoy pala ako nong foundation day ganto pala nararamdaman nila. Si Sol naman alam ko busy siya this week kaya di siya masyado nakakasama saamin.
Ngayon ako naman nakaupo lang dito, kahit si Lee hindi din pumasok nagtanong ako kay tita kong saan siya sagot saakin maaga daw pumasok para absent, tinatawagan namin pero out of coverage, buti nag tetext naman siya kay tita na okay siya. Ngayon kasama ko si Myrrh, tuliro at hindi alam ang gagawin, halatang sobrang lungkot niya hindi bagay sa ganda niya.
"Bakit? " seryosong tanong ko at hinawakan ang balikat niya nakinagulat niya naman
"Ha? " gulat na sabi niya "Bakit? " tanong nito.
"Okay ka lang ba? " nag aalalang tanong ko.
"Di ko alam" sagot niya.
"Bakit? " tanong ko, di ko na alam ang sasabihin ko, parang naiiyak na siya na ewan "Bakit Mira? Alam mong andito lang ako diba? " sabi ko saka niyakap siya.
"Si mama" sabi nito at yon na nga naiyak na siya. Alam ko na agad ang nangyare kapag ganto siya "Inatake siya Gin, hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam. " mas lalong iyak na sabi niya sobrang sobra ang sakit nito para sakanya
"Shh, andito lang ako. Di kita iiwan Mira" sabi ko.
"Naalala mo ba yong sabi nong doctor nong huling atake ni mama? " pinilit kong alalahanin pero di ko kaya, huling atake ni tita ako saka si Mira lang may alam, ayaw niya ipasabi saiba dahil alam niyan may sari-sarili kaming problema, kahit saakin noon ayaw niya sabihin pero sinundan ko siya noon papuntang ospital at don ko nalaman.
"Syempre hindi, " natatawang sabi nito, halata mo yong sakit bawat salita niya "Sabi niya noon hindi na daw pwede atakehin pa ulit ang mama dahil sobrang delikado na para sa lagay niya. Kailangan operahan bago pa siya atakehin," sabi nito at pinunasan niya ang luha niya "May schedule na si mama sa operasyon niya, inaantay nalang namin, tapos nong isang araw, dalawang araw matapos naghiwalay si Sol at Yohan, bigla nalang nag collapse si mama" sabi nito.
"Myrrh... "
"Sorry ha? Alam kong may problema ka din, hindi ko lang talaga kaya, wala akong mapagsabihan " sabi nito, asan ba kasi si Lee?! "Kahit sa pinsan mo di ko masabi dahil mukang may problema din at ayoko na iyon dagdagan" sabi niya.
"Gusto mo ba samahan kita ngayon? Or kahit kelan pa, di kiya pababayaan" sabi ko, gusto kong gumaan ang loob niya kahit papano.
"Okay lang ako, unconscious pa din si mama. Sabi ng doctor ni mama kahit daw tulog si mama di ako pwedeng umiyak sa harap niya kase nararamdaman niya. Kaya dapat strong" sabi nito saka ngumiti, kahit anong pilit na ngiti niya alam kong sobrang sakit ng pinag dadaanan niya.
"Halikana may klase pa tayo" sabi nito saka pumunta kaming classroom.
Nakaplipas na ang ilang oras at tapos na ang klase namin, hindi na ako pinasama ni Myrra Raquel sakanya, sakto may lakad ako pupunta ako sa office ng parents ni Kyle dahil pinatawag ako hindi ko alam bakit
"Excuse me po, may appointment po ba kayo kay Mr. And Mrs. Lopez? " tanong nong babae sa maarteng tono
"Wala" sagot ko
"Edi bawal po kayo pumasok, masyado pong busy ang boss namin, ano pong name niyo nalang para ma bigyan ko kayo ng schedule sa appointment" sabi nito .
"Gianna" sagot ko lamang, patagal kase ampp
"Okay po, number nalang po para matawagan ko kayo and sa Sabado pa po ang sched niyo"
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...