Myrrh Raquel's
Dalawang araw bago ako umalis ng bansa, nakakamiss naman, ngayon nandito ako sa school para kunin ang form ko.
"Sigurado kana ba Myrrh Raquel na aalis ka? " tanong ng admin namin
"Hmm, opo" sagot ko "Bago po mawala si mama noon gusto niya na doon na kami, kaya ngayon tutuparin ko nalang para sakanya" sabi ko ng naka ngiti.
"Nakakalungkot lang at napakabuti ng Mama tapos ang aga pa para kunin ng langit" sabi niya saka nilapag sa table ang card ko.
"Ganon po talaga ang buhay Ma'am, minsan sa buhay hindi natin alam ang mga mangyayari at wala tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat ng iyon kahit masakit po" sabi ko saka kinuha na ito
"Ipangako mo saakin Myrrh na sa pag balik mo dito eh successful doctor kana, okay? " sabi niya kaya tumayo ako
"Opo Miss, pangako po iyon. Pangako ko din na sa pagbalik ko handa na akong maging spoke person at ibahagi ang aral sa na nangyari saakin" sabi ko ng nakataas noo pa.
"Mabuti at aasahan ko iyan Myrrh Raquel" sabi niya saka ngumiti. "Mag iingat ka kung san ka man naroroon" sabi nito, ngumiti ako bago lumabas ng Office niya.
Naglakad lakad ako sa buong school, napapangiti nalang ako, naalala ko kung paano maasar si Gianna kapag inaasar siya ni Lee at Yohan.
To the point aabot na sila sa may Parking kakatakbuhan dahil hinahabol sila ni Gin, at kung pano kami mag kwentohan ni Sol dahil dalawa nalang kami laging natitira kapag nag aasaran sila, how we imagine our success in the near future.
How we can travel around the world?
How could Gianna broadcast properly kapag nakaharap sa camera?
How could Solana manage her Modeling and being a Flight Attendant?
How could Lee drive a Plane? Will it crash? Or he can drive it properly?
How Yohan manage to Play in PBA team while studying Architecture?
and, How can I manage to take good care of my health while studying Med school or taking good care of others health?
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Minsan nakakabaliw pag nakangiti ka nalang mag isa" sabi niya kaya tinignan ko siya, si Kyle.
"Hmm, nandyan ka pala" sabi ko "Kanina ka pa? " tanong ko.
"Hindi naman, " sabi nito ng nakangiti
"Nag cut ka no? " biro ko
"You can say that" ay umamin,nagbibiro lang eh.
From a far naaninag ko si Gianna. Nakawagay-way ang buhok at naka mini skirt. Ang ganda niya talaga.
Sinulyapan ko si Kyle at nakita kung nakatitig din ito kay Gin, kasama niya si Sol.
"Hindi ko sure kung kanino ka nakatitig?" sabi ko.
"Ha? Wala wala may nakita lang -- "
"Sino ba yon? Si Gin ba o si Sol? " tanong ko
"Ha? Ano bang tanong yan? " sabi niya saka natawa ng bahagya "Nilapitan kita para ikaw pag uusapan natin tas napunta saakin tss" sabi niya.
"Alam mo Kyle, ayoko sayo noon eh" sabi ko sakanya "Pero okay ka naman pala, sobrang mong mahal si Sol, at lalo na si Gin kaya salamat sayo, wag mo sana babaguhin yan lalo na sa dalawa" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...