Chapter 6

78 4 5
                                    

Solana's

Hindi ko alam bakit wala si Gianna,  absent siya akala namin late lang siya patapos na ang klase namin ngayong umaga wala pa din siya.

San nanaman kaya pumunta yon?

"Hindi daw siya naabutan ng Maids namin kaninang umaga,  hindi din daw napansin nong driver na umalis,  pero nong pumasok ako sa guest room wala na siya don.  Pati uniform niya wala na din." sabi ni Lee, nasa mcdo kami ngayon kumakain.

"Hindi din nagrereply sa text,  tapos di din nasagot sa tawag" sagot ni Miracle.

"San kaya sumuot ang babaeng yon?" sagot ng jowa ko

"Kapag aabsent naman nag tetext siya eh" sabi ko.

"Ang alam ko sabi nong yaya namin, kagabi daw umuwi ng lasing na lasing tapos nasukahan daw si Papa" sabi ni Lee. Tangina lagi nalang wasted ampota.  Broken ba yon?  Alam ko walang jowa yon dahil sa sobrang sungit at ingay na babae.

"Ano ba problema non at lagi nalang ganon? " tanong ko

"As far as i know wala naman, sa Family niya as usual ganon pa din" sagot ni Lee.

"Wala naman ata siya boyfriend" asik ni Yohan

"Wala, lagi ko hawak cellphone ni Gin wala nga kachat yon" sagot naman ni Miracle.   "Maya after class hanapin natin baka nasa Imus lang yon or trece. " sabi ulit ni Miracle.

Sobrang close silang dalawa, kesa samin ni Miracle.  Sobrang attitude kasi ni Gin to the point na titignan mo lang siya tas pag tinignan ka niya parang pinapatay kana niya sa utak niya.

Sobrang bogsa kami sa buong klase lalo na tong si Lee.  Sobrang nag aalala siya sa pinsan niya, di pa daw nauwi sabi nong maids nila.

"San tayo uuna? " tanong ko.  Tapos na klase namin at hahanapin na namin si Gin. Mag aalas tres na.

"Imus una. " sabi ni Lee. "Alam ko may tropa siya don, yong francis, baka andon siya"  sabi niya ulit,  pumasok kami sa kotse niya at nag drive na siya.

Hindi ko alam san kami tutungo,  traffic pa nga dito sa may district, as usual.

"Tangina bwesit na traffic" asik ni yohan.

"Guys chill lang,  we know gin naman she can handle her self " sabi ko. Napatitig sakin si Miracle

"Sol, we also know gin. Kahit ganon yon kapag nalasing di na alam ginagawa, tanda mo nong nalasing siya nakipag away siya sa gang malapit sa school buti at nakilala siya nong  isa" sabi ni Miracle.  Yah oo nga pala.

Napastop si Lee sa may kanto,  dito bahay nong francis.  Bumaba kami lahat at nag doorbell na si Yohan bumungad naman samin si Francis.

"Tol,  nakita mo ba si Gianna?" tanong ni Lee

"Huling kita namin boss kagabi eh" sabi nito

"Alam mo ba san siya pwede makita" tanong ko

"Hindi eh kasi kagabi nag take home kase kami" natatawa nitong sabi nakipag apir naman nong dalawa "tas siya nag taxi napansin ko kase nong pasakay na din kami nauna lang siya. " sambit nito tumango tango lang si Lee at Yohan na nasa harap niya.

"Sige tol salamat ha" sabi ni Lee.

"Sige tol ingat " sabi nito

"If ever mag text sayo, pakitawagan nalang si Mira" sabi ni Lee. Tumango naman siya.

Umalis na kami at mag aalas singko na.  Lahat ng kanto napag tanungan na namin. Pero wala talagang nakakakita sakanya.

"San kana ba?! " sabi ni Lee sa sarili niya.

Dream Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon