Gianna's
San na ako pupulutin?
Gago ang wasted ko pa ngayon.
Hindi, ayoko kina Lee, papagalitan ako ni tita doon."TANGINA" sigaw ko ang sakit ng ulo ko. Wala akong damit na dala...
Wala akong choice..
Naglakad ako ng medyo malayo papunta sa bahay nila Lee, bumungad saakin si Tita, tulog na daw siya pagod at nakainom din, ngayon nag bubunganga si tita. Ito nanaman po tayo..
"Hay nako Gianna alam mo ikaw!" sabi ni tita, nagbibihis ako nasa guest room ako eh. Taray ko diba?
"Tita naman eh" sabi ko.
"Ano nanaman ba ginawa mo at pinalas ka ng tatay mo?! " sabi nito. Yes po, Opo, tama ho ang narinig niyo, pinalayas po ako. Ikaw ba naman umuwi ng alas dyes na hanggang 8pm lang paalam mo tapos amoy suka at alak ka pa. Ewan ko lang..
Flashback....
Nakababa na ako ng grab, pa ekis ekis pa ang lakad ko di ko kaya umayos baka matumba ako lalo, nag doorbell ako at ang magaling kong tatay ang bumungad saakin. Bat andito siya??? Gago ampota
"At bakit ngayon ka lang?! " bungad niya.
"Boss Engineer Cuevas! " sabi ko pa saka yumakap na animo sobrang close kami, "Napasarap sa alak pre. " natatawa kong sabi ko.
"Nakikita mo ba ang sarili mo? Kababae mong tao amoy suka at alak ka?! " sabi nito saka umayos ako ng tayo.
"Di pa po, wala naman po salamin eh" sagot ko.
"Di ka talaga nadadalang bata ka no?! Ang usapan hanggang alas otso kalang diba?! Ano oras na at amoy alak ka pa?!! " sigaw niya apaka ingay.
"San si mama? " tanong ko.
"Hindi umuwi nasa palawan sa mga magulang niya" sabi nito. Bat andito to kala ko umalis papuntang site. Pero wala na nahuli na
"Di mo ba ako papapasukin pa? " tanong ko ng nakangiti
"Wala kang kwenta, lumayas ka! " sabi niya. Nagpipigil ako ng suka as in legit pero di ko napigilan at nasukahan ko siya. Tinignan ko siya mas lalong umitim ang tingin niya saakin. "Wag na wag kang magpapakita saaking bata ka! Umalis ka sa harap ko isa kang pabigat at walang kwentang anak!!! " sigaw niya at saka sinarado ang gate naiwan ako sa labas.
"Pa penge naman damit" sigaw ko.
Nag antay pa ako ng isang oras baka sakaling magbago isip niya at papasukin ako o kahit papalit lang ng damit. Pero wala eh. Tangina.
Naglakad nalang ako. Nag isip kong san pupunta. Binuklat ko ang wallet ko at nakita kong nasa 500 nalang pera ko at di na kaya pang hotel. Pota ang malas.
End of flashback...
"Juskong bata ka, sige mag dito ka muna, kakausapin ko ang nanay ko, alam kong di ka makakauwi hanggang di pa nakauwi ang Kapatid ko" sabi ni tita. Oo kapatid niya mama ko, magpinsan kami ni Lee, kaya ganto si tita saakin at ganon si Lee sakin.
"Hehehe, thanks tita love you po" sabi ko saka siya tumayo.
"Osige, magayos dyan at matutulog na ako, mahimbing na ang tulog ng tito mo at ganon din ni Lee. Goodnight, Gin" sabi ni tita.
Sobrang bait ni Tita, sa lahat ng tao na nakilala ko siya ang pinakamabait sunod si Tito.. Wala din akong gusto minsan na di nila binibigay, mas pamilya ko pa sila kesa sa mga magulang kong walang kwenta.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
Teen FictionIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...