A/N: Holaa!! Mag play nalang kayo ng sarili niyong music kahit anong kanta bahala na kayo, pero mas okay pag yung kanta ni Katy Perry na THE ONE THAT GOT AWAY para mas dama hehe, hindi kasi ako makapag add ng vid galing sa YouTube hahaha. Thanks!!! :))
---
Myrrh Raquel's
Nakarating ako sa ospital at nakasunod pa din sila saakin, dumeritso ako sa kwarto ni mama at dali daling lumapit sakanya.
"Mama " sabi ko naiiyak nako, nakikita ko sakanyang nahihirapan na siya.
"Anak ko" sabi niya, tumunog ang pinuan at nakita kong sila iyon pero winalang bahala ko nalang.
"Mama, nahihirapan ka po ba mama? " tanong ko,kahit masakit. Bakit naman ganito? Sabay sabay?
"Anak, sana matuto ka mag patawad ha? Alam kong hindi madali pero sana mapatawad mo sila sa paglilihim sayo, " mahinahong sabi ni mama, alam niya? Alam niya. Sobrang hirap na siya "Ipangako mo saakin" sabi ni mama
"opo mama" sabi ko saka tumango tango sabay ng pag buhos ng luha ko. "Mama, nahihirapan kana po ba? " tanong ko.
"Anak, mahal na mahal ka ni mama ha? Tatandaan mo yan lagi," sabi niya saka tumango tango lang ako "pagod na ang mama anak, pwede na ba matulog si mama? " tanong niya kaya mas lalo akong naiyak, hirap na hirap na siya huminga.
"Pasensya kana mama kung pinilit kitang lumaban kahit hirap kana ha? Sige mama, magpahinga kana ha. Matulog kana mama, okay lang ako mama, magiging okay ako mama." sabi ko. Nakita kong tumulo pa ang luha ni mama.
"Pasensya kana ha? Hindi ko na talaga kaya anak. Mahal na Mahal na Mahal kita Mira" sabi niya saka ngumiti at unti unti ng bumababa ang heart beat niya sa monitor.
"Okay lang po mama, Mahal na Mahal ka din ni Mira" pag ka sabi non, nawala na ng heartbeat si mama saka dumating ang doctor pero wala na.
Wala na si Mama. Fly high Mama. Sana masaya kayo ni Yohan diyan. Mahal na Mahal ko po kayo pareho.
Pagkatapos non, si tita tess nag ayos ng mga gagawin para kay Mama, wala pa din akong lakas gumalaw.
"Hindi mo sinabi saamin na ganito na pala si Tita" sabi ni Gin na tumabi saakin.
"Wala naman magbabago kahit sabihin ko" sagot ko.
"Pasensya kana ha? Hindi ka namin nadamayan nong mga oras na hindi mo na pala kaya" sabi ni Sol
"Hindi namin alam na ganito na ang problema mo dahil lagi ka naman nakaagapay saamin yon pala may ganito ka ng problema" sabi ni Lee
"Hindi niyo naman kailangan malaman" sabi ko saka pinunasan ang luha ko. "May sari-sarili tayong problema" ani ko.
Na realize ko nalang na, sa oras ng kagipitan at kalungkutan sarili mo nalang talaga ang masasandalan mo kahit sa ano man. Walang ibang dadamay sayo kundi ikaw lang din mismo
Umuwi ako sa bahay para ayosin ang susuotin ni mama, kinuha ko ang pinaka paborito niyang dress, sakto at puti ito.
"Hindi ko akalain na ang susunod mong maisusuot tong dress mo mama eh sa libing mo na pala" naluluha kong sabi. "Ayos lang po ako mama, wag niyo ako alalahanin, kaya ko po ito" sabi ko. Inayos ko na iyon at nilagay sa bag ko.
"Mira hija, naayos ko na ang sa mama mo, dadalhin ko na damit niya. Okay na ba? " tanong ni Tita Tess.
"Ayos na po tita" sabi ko saka ngumiti "Salamat po ha" sabi ko ulit sakanya, ni walang pamilya si mama na nag asikaso sakanya dahil wala na din sina lolo at lola, may isang kapatid si mama pero nasa ibang bansa
BINABASA MO ANG
Dream Catcher (Completed)
أدب المراهقينIba't ibang pangarap ang meron sila. May gustong mag Doctor, Piloto, International Model, sikat na basketbalista, Reporter, Flight attendant. Pero lahat ba sila ay matutupad iyon? O merong mahuhuli at di makakatupad ng pangako nila sa isa't isa? ...