Chapter 16

31 1 0
                                    

Myrrh Raquel's

Dalawang araw na ang nakalipas nong namatay si Yohan,  wala ako ngayon sa kanila dahil andito ako sa ospital kay mama. Hindi ko sinabi sa kanila na inatake si mama kahit kay Lee,mukang may mga sari-sarili kaming problema ngayon at ayoko na maka istorbo pa.

"Anak" mahinang sabi ni mama kaya napaayos ako ng upo

"Bakit ma? May masakit ba sayo? Tatawagin ko po ang doctor " sabi ko pero pinaupo niya ako.

"Wala naman, gusto lang kita makita mahal ko." sabi ni mama,  pinipilit kong wag umiyak pero taksil ang luha ko.

"Wag kana umiyak Mira anak, okay naman ang mama lumalaban pa din ako --- "

"Hindi ko kaya pag nawala ka mama,  hindi po" sabi ko saka hinalik halikan ang kamay niya. "Wag mo po ako iiwan Mama ha, hindi ko po yon kaya mama" yan lagi ang sinasabi ko sakanya.

"Oo naman" sabi nito at pilit na ngumiti. "Kamusta na pala si Sol?  Gin saka Lee? " tanong ni mama.

"Si Sol po nasa bahay nila Yohan nag aasikaso para sa libing niya bukas. Si Gin po di ko alam baka andon tas si Lee naman ang huling text saakin nong papunta na siya sa bahay nila Yohan nong dumalaw kami" sagot ko at nag kibit balikat.

"Alam ba nila na andito ako anak? " tanong ni mama

"Hindi ko po sinabi,  mukang may problema din sila ayoko na makadagdag pa" sabi ko naman

"Ayos lang ba kayo ni Lee? " tanong ni mama nong kinuha ko ang mansanas para hiwain.

"Ayos naman po siguro, baka busy lang siya kaya di siya nag tetext o chat " sagot ko.

"Baka nga" sabi din mama.

"Sige na mama magpahinga kana" sabi ko. "Pupunta dito sina Tita tess mamaya para bantayan ka. Kaya dapat malakas ka kapag nag chikahan kayo" sabi ko ng nakangiti.

"Oo nga eh." sabi nito saka ngumiti saakin..

Naka upo lang ako dito at andito na din si Tita Tess, biglang nag text si tito  gilbert

From: Tito Gilbert
      Hi myrrh, pwede ka ba dumalaw dito sa bahay?  Andito si Gin hindi kase lumalabas ng kwarto simula nong umuwi,  hindi din kumakain. Kong okay lang sayo.

Hindi ako nag dalawang isip at tumayo ako.

"Tita pwede po ba paki alalayan muna si mama?  Alis lang po ako." sabi ko.

"Oo naman sige,  iingat ka" sabi ni tita.

"Ingat ka anak" sabi ni Mama saka ko siya hinalikan sa noo at lumabas na ng kwarto.

Nagmaneho ako papunta kina Gin at nong nakarating ako nag doorbell agad ako.

"Salamat hija at andito ka alam ko ikaw lang makakapasok ngayon sa kwarto niya" sabi ni tito habang naglalakad kami

"Bakit po?  Ano po ang nangyare? " tanong ko.  Nong paakyat na kami sa hagdan.

"Yong mama niya kasi " pagsabi niya non na gets ko na agad, hindi naman sa duda ako kay tita pero nararamdaman ko na yon dati. "Maiwan na kita,  kapag nakapasok ka papadalhan ko nalang kayo ng pagkain ha? Salamat talaga hija" sabi ni tito kaya nginitian ko siya.

"Gin? " sabi ko saka kinatok siya,  rinig ko ang iyak niya,  hagulhol iyon kaya mas lalo akong naawa "Gin, si Mira to. Papasukin mo ako gin " sabi ko

"Mira,  wag muna ngayon" sabi niya ng humihikbi

"Alam ko mira,  andito lang ako,  di kita iiwan ha" sabi ko. "Buksan mo nalang ang pinto pag gusto mo ng kausap andito lang ako" pag sabi ko non umupo ako sa lapag.

Dream Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon